Mga Imbak na Marka: mountain biking

General mountain

Pinudutin para sa nga larawan

Sa likod lamang po ulit ng Clark ๐Ÿ™‚

Ayun sa mga kwento at sa mga kapatid nating Aeta, dito raw nagkuta at gumawa ng mga butas (tunnel) ang mga sundalong Hapon
noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).

Mahigit limang taon na ang nakalilipas ng una kung marinig ang General Mountain sa tatay naman ni Master Jerome,
Matagal ng planong puntahan. subalit hindi matuloy tuloy.

Mabuti na lamang at nakilala namin si Tatay Amado at justin, noong unang mag explore sa bandang Haduan,
kung saan una rin naming nasilayan ang bundok Dinamulag. Sa intro Bideyo ng Mount Dinamulag https://youtu.be/Jg26rRoajaM
si Tatay Kosme ay mismong si Tatay Amado. Minsan kasi gamit nila ay apelyido at hindi ang pangalan,
katulad ni Tatay Sibal (apelyido rin). Si Tatay Amado rin ang nagturo sa akin/amin ng mga pangalan ng bundok na natatanaw buhat sa itaas ng Haduaan.

Matapos ang halos dalawang buwang pagpa plano ay natuloy rin ๐Ÿ™‚

Isa sa magandang ma develop bilang tourist spot itong General Mountain.
Para sa mga Hikers, Mountain Biker o sa gusto lamang pumasyal.

  1. Ganda ng View sa itaas – tanaw mo ang mga katabing bundok at buong Clark.
    2, Japanese Tunnel – Isa lang ang nakita namin dahil yung iba ay sobra pang masukal.
  2. Fish spa -Habang nagpapahinga may nadaanan kaming malinis na Sapa sinubukan kung ibaba ang paa tubig , biglang naglapitan ang mga maliliit na isda. Kung hindi ako nagkakamali ito yung mga Garra Rufa na ginagamit sa fish spa. May mga malalaki ring palakang butete ๐Ÿ™‚
  3. Pagluluto sa Kawayan / Bamboo Cooking – Kung saan pinakita sa amin ang pagluluto ng kanin at pang ulam (manok at baboy) gamit ang kawayan. At ilalatag sa dahon ng Saging ang pagkain na naka kamay o kaya gamit ang kutsara at straw na gawa sa kawayan (gawa ni butch).
  4. Buko at Napakatamis na Kaymito – Libre lamang sa bundok ๐Ÿ™‚
  5. Puso ng Saging – Pinakita naman ni Justin kung paano kumuha ng Puso ng Saging. Karamihan ang alam natin na puso ay yung pula sa dulo ng bunga. Yun pala ay bago pa lamang lumabas ang bunga ng saging. Ang uri ng saging na ito ay yung maraming buto.. Naoakarami nito sa daan patungo at pabalik ng General Mountain.
  6. Trails – napakaganda at teknikal ๐Ÿ™‚ Magandang mag ensayo at mamasyal ๐Ÿ™‚
  7. Sapa/Tubig – Madadaanan mo rin pala ang mga sapa kung saan nagmumula ang tubig sa Haduan Falls

Nasa Mahigit kumulang 12.5km lang buhat sa Clark. Inabot kami ng mahigiit kumulang tatlong oras bago marating ang tuktok ng General Mountain.

Maraming Maraming Salamat kay Tatay Amado at Justin ๐Ÿ™‚
Sa mga nagnanais na pumunta o pumasyal maari nyo pong puntahan sa Haduan
Si tatay Amado, ipagtanong nyo po lamang at kayo ay tiyak na kanyang sasamahan.

Maraming Salamat sa Diyos at ligtas naman kaming lahat.
Kasama ko pala ang grupo ng Clark Mountain Bikers at ilang kaibigan mula sa Bulacan. ๐Ÿ™‚

Manggahan Trail


Plano lamang sana naming rutahin ang daan para sa karera ng Reign to Glory.
Subalit naligaw kami kayat kung saan saan kami napasuot. ๐Ÿ™‚ Kagandahan lamang ay maulan at maputek kaya’t tila mga naging batang nagtampisaw sa buhos ng ulan at sa malakas na agos ng sapa na tila naging ilog. Dumiretso rin pala kami sa Sitio Batson / Batzone para bisitahin ang mga kaibigan Aeta.

Sa likod lang din pala ito ng Clark at sa gilid kami ng Xevera kami dumaan.

Pindutin para sa mga larawan. ๐Ÿ™‚

GPS Ruta ng Reign of Glory
https://www.strava.com/activities/1672839224

badi falls, Kapangan, benguet

Halos tatlong araw na padyakan.

  1. Unang Araw – Baguio to Brgy. Balakbak, Kapangan – Longog Cave – Amburayan River – Kabundukan sa Daan ๐Ÿ™‚
  2. Ikalawang Araw – Brgy. Balakbak to Brgy Sagubo – Kapangan Badi Falls – Liteng
  3. Ikatlong Araw – Pasyal sa Liteng – Liteng to Taba-ao – Uwian na.

Maraming Salamat sa Diyos sa ligats na paglalakbay. Sobrang ganda talaga sa Kapangan ๐Ÿ™‚ Maraming Salamat Master Weisser Coilan sa espesyal na imbitasyon. Maraming Salamat rin sa iyong buong pamilya sa mainit na pag tanggap.

Maraming Salamat sa lahat ng taong aming nakasalamuha. Sobrang bait talaga ng mga taga cordillera, Sobrang ganda at napaka linis ng lugar.

Syempre Maraming Salamat Masters Marlon Sazon Gabe Paras Goro Jose Shigeno Ang Sarap ngu Etag (Pork and beans) , Pinikpikan atbp na luto ni Ankol Sammy (Tiyo ni Master Weis) Maraming Salamat po!ย  at maraming salamat din din kay Master Emat na nag guide sa amin patungong Badi falls at Liteng na inabot na ng hatinggabi.

Unang beses din nakatikim ng Rice Wine. ๐Ÿ™‚ Sobrang ganda talaga lalo na sa Liteng ๐Ÿ™‚ Kapangan Badi Falls Kapangan Benguet.ย MAP MAP TENG!

Pindutin para sa mga larawan ๐Ÿ™‚

GPS
https://www.strava.com/activities/1415060342
https://www.strava.com/activities/1415060482
https://www.strava.com/activities/1415060203 https://www.strava.com/activities/1415060234

Padyakan sa Clark Pampanga


Sulit na padyakan dahil apat na lugar sa paligid ng Clark ang aming nabisita sa loob ng isang araw.
1. Sitio Calapi
2. Haduan Falls
3. Hoy Land
4. Cama De Grass / Batson Trail

Si Master Jerome ang nag aya sa padyakang ito kasama ang mga bagong kapadyak na karamihan ay taga Mabalacat at Bamban. Pagsapit sa Clark ay meron pang sumama sa aming mga kabataan at ang isa ay naka bisikletang Fixie pa ๐Ÿ™‚

Una naming pinuntaahn ang Sitio Calapi. Sa Marcos Village kami dumaan sa gilid ng Clark at tumawid sa ilog ng Lahar at inakayat ang matarik na bundok paahon sa Sitio Calapi.
Napakaganda ng lugar at napaka babait na mga kapatid nating Aeta. Namigay din kami ng ilang pagkain sa mga batang naroon upang kahit papano ay makapagbigay ligaya at saya.
Napahanga ako sa kasama naming batang naka fixie dahil balewala ang lahar at ilog. pati na ang teknikal na pababa.

Matapos makapag pahinga ay tuwang tuwang pumadyak pababa ๐Ÿ™‚ dahil sa bandang ibaba ay merong maliit na sapa ๐Ÿ™‚ . Muling binaybay ang kahabaan ng ilog ng lahar patungong Haduan Falls. ย Iniwan na namin ang mga bisekleta sa isang bahay at hindi na namin dinala sa mismong talon. Masayang naligo ang ibang mga kasamahan namin, habang ako at ang ibang kasama ay nagkasayang manood na lamang. Marami ring mga turistang dumayo ng araw na iyon. Masayang makita muli ang mga kapatid nating Aeta sa Haduan na halos naging kaibigan na dahil sa madalas na pagbisita.

Matapos nito ay masayang bumalik na kaming lahat sa Clark at nag sipag uwian na.
Subalit si Master Harry ay medyo bitin pa kayat kami ay panandaliang ย kumain at nagpahinga. Pagkatapos ay muling pumadyak patungong Holy Land at ang pinakahuli ay ang Cama De Grass / Batson Trail. Dinaanan din namin ang TICL trail na ang labas ay sa mismong sa itaas na ng Little Baguio.

Layo o Distansya – 62.4km
GPS Mapa ย https://www.strava.com/activities/789530157

Pampanga – Baler – Pampanga


Maraming Salamat sa Poong maykapal sa ligtas at matiwasay na paglalakbay ๐Ÿ™‚
Padyakang balikan mula Pampanga patungong Baler. Kasama ko dito ang magiting na mamamadyak na si Master Marlon. Nagsimula kaming pumadyak ng gabi buhat sa Mabalacat na medyo bumubuhos ang ulan, pagdating ng bandang Tarlac at Nueva ecija ay napaka aliwalas naman. Mahigit alas kwatro na ng umaga bago namin narating at naakyat ang Pantabangan kung saan kami umidlip at nagpahinga. Sa hirap ng ahon at inabutan pa ng init ng araw sa kabundukan ay hapon na bago narating ang Baler, dinaanan na rin namin ang Higanteng Balete sa Maria Aurora.

Kinabukasan ay pinasyalan namin ang dalawan sikat na Talon nang San Luis, ang talon ng Ditumabo (Mother Falls) ย at Caunayan.ย Habang pauwi ay naabutan namin si Master Nelson malapit na sa bayan ng Baler. Pumadyak din galing Pampanga kasama ang kanyang mga katrabaho na galing naman ng Manila.

Nang sumapit ang ย gabi matapos makapagpahinga at kumain ay sinimulan na rin naming pumadyak pabalik ng Pampanga, subalit biglang bumuhos ang ulan kayat medyo naantala ๐Ÿ™‚ .Agad ipinagpatuloy ng medyo tumila at nagsuot na rin ng kapote :). ย Mas masarap talagang pumadyak sa gabi bukod sa malamig ang panahon at halos walang sasakyang dumaraan. Halos maligo pa rin sa pawis habang binabagtas ang mga kalsadang bundok ng Aurora. Sobrang hirap pa rin lalo na ang bahagi sa pagitan ng Aurora at Castaรฑeda, Nueva Viscaya. Halos magliliwanag na ng marating namin ang bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija. ย Eksaktong 2:26pm na ng hapon ng marating namin ang Mabalacat. ๐Ÿ™‚

Ito yung mga lugar kung saan kami kumain at nagpahinga.
1. Petron Pantabangan – Kumain ng agahan ng patungong Baler, me libreng kubo kung saan kami naidlip panandalian. 80 pesos isang order ng adobong kambing.
2. Petronย  Castaรฑeda – Tanghalian – 50 pesos yung baka na tila tapa? pero masarap. mas sumarap dahil sa kaning organiko.
3. Tindahan ni Apple sa itaas ng bundok sa napakatarik na kalsada ๐Ÿ™‚ bandang aurora at ย bukas 24 oras. Masarap yung organikong suman na nanalo raw sa paligsahan. at napakamurang bilihin lalo na mga pasalubong, souvenirs at mga prutas.
4. Restaurant sa pagitan ng Talavera at Cabanatuan malapit sa Arko – Sarap ng bulalong kalabaw na 50 pesos lamang ๐Ÿ™‚ nagbigay lakas para makapadyak pabalik ng Pampanga.
5. Gasoline station sa may arko ng Talavera at Cabanatuan – Kung saan kami madalas umidlip patungo at pabalik, meron ding Kubo sa gilid na pwedeng tulugan ng libre.
6. Kainan sa Rizal, Nueva Ecija na bukas 24 oras bago sumapit ng 7/11 kung saan kumain kami ng lugaw ng patungo ng Baler. Mag ingat lamang sa mga pagala galang tao na tila hindi natutulog ๐Ÿ™‚

Dobleng ingat rin kami sa mga Aso sa daan lalo na sa kabundukan na madalas humahabol pa habang pumapadyak ๐Ÿ™‚

Talaan ng Paglalakbay ๐Ÿ™‚
Unang Gabi – Pampanga to Baler – 195kmย https://www.strava.com/activities/731492911
Kinabukasan – Padyakan sa Talon – 51km –https://www.strava.com/activities/731491992
Pagsapit ng Gabi – Baler to Pampanga – 181km –ย https://www.strava.com/activities/731492796

Pampanga to Baler


Noon pang isang taon balak puntahan itong Baler subalit hindi matuloy tuloy sa maraming kadahilanan ๐Ÿ™‚

Dalawang araw bago sumapit ang ika labindalawang araw ng Hunyo ay saka lamang napagpasyahang ituloy na ang padyakan mula Pampanga patungong Baler, Aurora.

Akala ko ay magsosolo na naman mabuti na lamang biglang sumulpot si Master Michael ng di inaasahan.

Kahit baguhan at unang sabak sa malayong padyakan ay tila halimaw sa daan ๐Ÿ™‚ partida pa dahil sa batalyang bakal ang bisekletang ginamit padyakan.

Inabot ng sobrang init, ulan, nabutasan ng gulong, dilim sa gitna ng kabundukan, hinabol ng mga aso ๐Ÿ˜› at sa tila walang katapusang ahon at lusong ang naranasan sa kabundukan.

Subalit lahat ng pagod at hirap ay nalunasan ng masilayan ang paraisong matagal ng ninais puntahan..

Mga talaan:

1. <> 20 oras na padyakan kasama na ang pahinga.

2. Dalampasigan ng Baler – Surfing at dito natulog sa tent/ buhangin

3. Ditumabo Mother Falls – Sobrang ganda at dami ng tao, halos 20 kilometro mula sa Baler

4. Balete Park /Millenium Tree- mahigit 600 na taon at pinakamalaki daw sa buong Asia? nasa mahigit 13km Mula sa Baler

5. Ermita Hill – Napakagandang tanawin at masisilayan mo ang halos buong dalampasigan ng Baler at dagat pasipiko

Dito rin umakyat noong December 27, 1735 ng gabi ang mga taong nakaligtas sa Tsunami (โ€œTromba Marinaโ€)

at maraming pang importanteng pangyayari tungkol dito sa Ermita Hill paki google nyo na lamang ๐Ÿ™‚

Pindutin para sa mga Larawan

Napakaganda ng Baler at marami pang lugar na maaring puntahan subalit sa oras ay kinulang kayat kailangang muling mabalikan.

Pauwi sumakay na ng Bus at sa San Fernando na lamang pumadyak.

Baler – Cabanatuan = 248 pesos? (nakalimutan eksatong pamasahe)

Cabanatuan – San Fernando – 108 pesos

San Fernando – Mabalacat – Padyak 26.4km

Maraming Salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Salamat muli sa mga sumusunod:

Master Louie – #pmtb #manilabikers #aurorabikers

Balid Native Restaurant – na nag alok ng libreng paliligo at charging ng mga gadgets at nag alok din na doon tumuloy ng libre.

Panatag Surf School – napakamurang tent (100 bawat araw) at may libreng inuming tubig at lugar kung saan kami natulog.

MBU – Rockenroll ๐Ÿ™‚ Nakasama sa ikalawang gabi sa tabing dagat.

Master Michael

TICL group – mga nagbigay ng tips at nagdasal

At sa lahat ng nakasalamuha at don kay bro na kumuha ng aming larawan nong hating gabi pagdating namin ng Baler ๐Ÿ™‚

Talaan ng Paglalakbay

Pampanga to Baler – 186km https://www.strava.com/activities/325153269

Mother Falls – 39.2km balikan https://www.strava.com/activities/325154391

Ermita Hill – 16,3km balikan https://www.strava.com/activities/325154692

Sm San Fernando – Mabalacat – 26.4kmย https://www.strava.com/activities/325154816

Colasi Falls


Meron pa palang isang nakatago at napakagandang Talon ang CamNorte ๐Ÿ™‚ Ito ay ang Talon ng Colasi na matatagpuan din sa Brgy. Colasi bayan ng Mercedes.

Iilan pa lamang ang nakararating dito dahil sa may kalayuan. ito rin ang una kong pagkakataon na marating ang lugar.

Nagsimula akong pumadyak mula sa bayan ng San Vicente bandang alas dyes (10:19 am) ng umaga.
Nadaanan ko ang ilang brgy. na nasasakop ng bayan ng Daet at Basud at binaybay ang kahabaan at napakagandang dalampagisan ng Mercedes.
Bandang ala una (1:00 pm) ng marating ang brgy. Colasi.
Matapos magpa rehistro ay binigyan kami ng tour guide, may kasama ng helmet at life vest. Mandatory ang tour guide dahil nakakaligaw talaga sa bundok..

Napakaganda ng daan sa gilid ng mga bundok. Napansin ko rin na ang ibang daang tinatahak ay dating pinagdadaanan ng “Tablon”.
Ang “Tablon”ay nilagareng kahoy (lumber) galing sa bundok habang hinhila ito ng kalabaw. (Ang orihinal na Carabao Trails :))
Nauso ito noong dekada 60-70 at 80’s noong napakarami pang punong kahoy sa mga kabundukan.

Napakabait din ng mga naninirahan sa paligid ng bundok, kayat nakakatuwa ng biglang nagmano or nag bless ang 2 batang biglang nakasalubong sa bundok.

Narating namin ang Talon mahigit alas kwatro na ng hapon at medyo dumidilim na sa kabundukan. Sulit at nawala lahat ng pagod at hirap dahil sa napakagandang tanawin lalo na kapag nasilayan mo napakataas na Talon at madampian ng napakalamig ng tubig :). Matapos kumuha ng ilang bideyo at larawan ay nagmamadali na rin kaming umuwi. Lagpas ng Alas sais (6:15pm) ng makalabas kami kayat inabot na ng dilim sa daan ang pag uwi.

Nakabalik sa Daet mga bandang alas otso y medya (8:30 pm) pagkatapos ay dumaan pa i sa San Nicolas, Talisay upang makikain sa fiesta ๐Ÿ˜€

Pindutin para sa mga Larawan ๐Ÿ™‚
Taos pusong pasasalamat sa poong maykapal sa masaya at ligtas na paglalakabay ๐Ÿ™‚
Taos pusong pasasalamat kay Mang Juan sa pag guide patungong Talon at kay Big bro ๐Ÿ™‚

Ito ang talaan ng buong paglalakabay ๐Ÿ™‚ – 100.5km
San vicente – Daet – Basud, Mercedes – Culasi Falls – Basud – Daet – Talisay – Sto Domingo Vinzons
https://www.strava.com/activities/310204856

Ito ang talaan buhat San vicente to Colasi Falls – 49.87km
http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/culasi-falls/1786337/full

Ito naman ang talaan buhat sa Colasi Falls – patungo sa labasan (main highway) – 4.27km
http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/colasi-falls-hiking/1786339/full

Ito naman po ang mga bayarin ๐Ÿ™‚
Environment Fee – 20 pesos per head.
Porter Fee – 250 pesos (500 overnight)
Kasama na ang Helmet at Life Jacket

Paki kontak na lang po ang mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon o kung may katanungan :
Brgy. Treasurer : Maria Rachele Estrella – 0907-6439215
Brgy. Captain :Joel Aragona – 0909 – 4850191

Mananap Falls 2015


Dahil sa labis akong nabibighani sa kagandahan ng Mananap Falls ay taon taon akong
umuuwi ng bikol para umakyat o magbisekleta patungo rito.
Ito pa lamang ang pangalawang beses kung nadala ang bisekleta sa mismong Talon. Kung tutuusin napakaikli o lapit lamang nito, subalit pagdating sa pagbubuhat ng bisekleta ay ito pa rin ang nangunguna sa aking listahan.

Akala ko nga ay hindi na ako matutuloy dahil tanghaling tapat na ng mapagpasyahan kung pumadyak. Umuulan kasi ng umaga at signal number 1 noong nakaraan araw kayat nagdadalawang isip ako na ituloy dahil delikado kung abutan ng buhos ng ulan sa bundok ng mag isa at maaring maglabasan pa ang limatik :). Kinakailangan ko ring bumalik agad dahil mamayang gabi na ang aking byahe pabalik ng Maynila.

Salamat sa Diyos at matiwasay akong nakarating at nakabalik ng mabilisan ๐Ÿ™‚
Maswerte pa din dahil bukod sa hindi na bumuhos ang ulan ay nakatikim pa ako ng paboritong Galyang ๐Ÿ˜€ Salamat sa myembro ng WEO na nagbabantay ng kalikasan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan.

Pindutin para sa mga Larawan ๐Ÿ™‚

Layo o Distansya: Mahigit 10km buhat sa bayan ng San Vicente

Pindutin para sa GPS Map