Mga Imbak na Marka: tarlac

malunto hill /apung malunto


Madalas o minsan kung saan pa yung malapit na lugar, yun pa ang di mo nagagalugad. Tulad nitong burol na makailang beses ko ng nadaanan ang gilid at paanan. Kung saan dito pala ay may isang napakalaking Bato na sa ibabaw ay patag.

Dito ay matatanaw at masisilayan mo ang nakapagandang tanawin. Tulad ng Clark, Tulay ng Sacobia (bago at luma), Ilog ng Sacobia, Bundok Arayat, Solar power plant, mga bulubundukin ng Pampanga at Tarlac.
Maririnig mo rin ang huni ng mga Ibon, kuliglig, tilaok ng manok at iba pa. Sarap mag relaks :).

Apung Malunto ang tawag nila (lokal) sa burol. Noong unang panahon ay may umaakyat dito upang mag alay ng panalangin tuwing mahal na araw.
Malunto Hill raw ang tamang pangalan ng burol ayun sa mga kaibigang bikers. πŸ™‚

May mga puno rin ng Alibangbang na pwede palang gawing pang asim o pang sigang sa mga lutuing bahay at masarap din daw sa papaitan.

Naway ating maalagaan para lalong gumanda ang ating pasyalan. “

Para sa mga Larawan
1. Solo exploride
2. Kasama ang Clark MTB at TICL

Pindutin para sa talaan ng paglalakbay (GPS)
Yung palikong bahagi sa mapa pagkalagpas ng tulay ng Sacobia ang lokasyon ng The Rock!

SMB2M2 Trails

 

Isa sa magandang ruta kapag ikaw ay nasa Clark Pampanga o kalapit lugar. SMB2M2 – San Martin – Batson – Balatok – Mainang – Malasa.

Nagsimula kaming pumadyak bandang 5:30 ng umaga sa Mabalacat, Pampanga at pumasok ng Clark .Nasa mahigit 50km paikot kayat sulit na sulit na pasyalan. Magkahalong trails at road ang ruta. Ahon lusong, tawid sapa, ilog, at me kasama pang tulakan.

Ito ang detalyeng ruta: Mabalacat – Clark – Dino Trail- Bee Trail – Macapagal Downhill – Sacobia – San Marting – Batson -Balatok-Mainang – Malasa – Mauricia- Gurol gurol – Mainang – Mabalacat.

Pindutin para sa mga larawan

Pindutin para sa GPS

 

Padyakan sa Pinatubo 4

Maraming Salamat sa lahat ng bumuo ng padyakang ito πŸ™‚
Capas mountain trail riders at Pampanga Trail Bikers πŸ™‚ Sa lahat ng sumama at nagbigay tulong para sa ating mga kaparid na Aeta. Mabuhay po kayo!

Mga Larawan –Β https://www.facebook.com/pg/kurumbot/photos/?tab=album&album_id=732295156895089

GPS Map –Β https://www.strava.com/activities/985975860

 

 

Padyakan sa Clark Pampanga


Sulit na padyakan dahil apat na lugar sa paligid ng Clark ang aming nabisita sa loob ng isang araw.
1. Sitio Calapi
2. Haduan Falls
3. Hoy Land
4. Cama De Grass / Batson Trail

Si Master Jerome ang nag aya sa padyakang ito kasama ang mga bagong kapadyak na karamihan ay taga Mabalacat at Bamban. Pagsapit sa Clark ay meron pang sumama sa aming mga kabataan at ang isa ay naka bisikletang Fixie pa πŸ™‚

Una naming pinuntaahn ang Sitio Calapi. Sa Marcos Village kami dumaan sa gilid ng Clark at tumawid sa ilog ng Lahar at inakayat ang matarik na bundok paahon sa Sitio Calapi.
Napakaganda ng lugar at napaka babait na mga kapatid nating Aeta. Namigay din kami ng ilang pagkain sa mga batang naroon upang kahit papano ay makapagbigay ligaya at saya.
Napahanga ako sa kasama naming batang naka fixie dahil balewala ang lahar at ilog. pati na ang teknikal na pababa.

Matapos makapag pahinga ay tuwang tuwang pumadyak pababa πŸ™‚ dahil sa bandang ibaba ay merong maliit na sapa πŸ™‚ . Muling binaybay ang kahabaan ng ilog ng lahar patungong Haduan Falls. Β Iniwan na namin ang mga bisekleta sa isang bahay at hindi na namin dinala sa mismong talon. Masayang naligo ang ibang mga kasamahan namin, habang ako at ang ibang kasama ay nagkasayang manood na lamang. Marami ring mga turistang dumayo ng araw na iyon. Masayang makita muli ang mga kapatid nating Aeta sa Haduan na halos naging kaibigan na dahil sa madalas na pagbisita.

Matapos nito ay masayang bumalik na kaming lahat sa Clark at nag sipag uwian na.
Subalit si Master Harry ay medyo bitin pa kayat kami ay panandaliang Β kumain at nagpahinga. Pagkatapos ay muling pumadyak patungong Holy Land at ang pinakahuli ay ang Cama De Grass / Batson Trail. Dinaanan din namin ang TICL trail na ang labas ay sa mismong sa itaas na ng Little Baguio.

Layo o Distansya – 62.4km
GPS Mapa Β https://www.strava.com/activities/789530157

Monasterio De Tarlac Loop to Bueno Hot Spring


Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa ligtas na paglalakbay πŸ™‚

Maraming Salamat sa Capas Mountain Trail Riders πŸ™‚

Sa wakas! natupad ang nasa listahan na mapadyakan ang kabundukan ng Monasterio De Tarlac patungong Bueno Hot Spring
Maganda at sobrang teknikal ang daan πŸ™‚

Pindutin para sa Larawan
Para sa GPS Map
1. Sportstracklive GPS
2.Β Strava GPS

Mount Pinatubo


Maraming Salamat sa Poong maykapal sa napakagandang tanawin at ligtas na paglalakbay πŸ™‚ Ito na ang ikatlong paglalakbay sa nakamamanghang Bundok Pinatubo πŸ™‚ Kasama ko ang mga master sa padyakan Nelson, Tisoy at Adriel πŸ™‚
Balikang padyakan mula Mabalacat, Pampanga hanggang Pinatubo.

Nakakalungkot lamang na balita para sa mga Mountain Bikers,
sa kadahilanang merong ng bayad ang pagpunta sa Pinatubo. At Sobrang MAHAL!
Dahil mas mahal pa kapag naka bisekleta kesa sa presyo sa mga turistang namamasyal mapa lokal o dayuhan.

4×4 – 3500
Trailer – 700 dagdag bayad para sa mga naka bisekleta 😦
Guide – 500
[Para sa Limang Tao]
+ Conservation Fee – 450 – bawat isa

Mabuti na lamang at maaga kaming umalis. Alas Tres medya ( 3:30 am ) ng magsimula kaming pumadyak mula Mabalacat at nakarating kami sa bukana ng trail bago mag alas sais (6:00am) ng umaga. Nang nasa kalagitnaan na kami ay bigla kaming hinintuan ng isang taga tourism na nakasakay sa 4×4 at sinabing kelangan daw naming magpa rehistro muna at kelangan naming bumalik? Mabuti na lamang at napakiusapan pa rin namin at pinayagang ipagpatuloy ang paglalakabay sa pangakong kami ay dadaan sa Tourism pauwi.

Matapos kaming pumadyak ay dumaan kami sa Tourism. Mabuti na lamang at hindi kami siningil πŸ™‚ Pinagsabihan lamang kami na sa susunod ay kailangan na naming magpa rehistro kasama ang mga bayarin 😦 Kung medyo tinanghali pala ay siguradong hindi kami natuloy katulad ng ibang Mountain Bikers na nahuli ng dating.

Naway maibalik sa dati na libre lamang na pumasok ang mga naka bisekleta at kung kelangang magbayad sana ay medyo mura lang ang Conservation Fee at gawing optional na lamang ang 4×4 at Guide.

1. Pinndutin para sa mga Larawan
2. Larawang kuha ni Master Adriel πŸ™‚

Pindutin para sa GPS Map Sports tracklive (one way)
Pindutin para sa GPS Map Strava balikan

…….

Bueno Hot Spring / Monasterio De Tarlac


Papunta talaga kami ng Mount Pinatubo at pinaghandaan namin ito ng husto ni Master Nelson kayat alas singko pa lang pumapadyak na kami. Marami rin kaming baon na pagkain at tubig na inumin. Pagdating namin sa Sta Juliana ay hinarang kami at di na pinatuloy sa kadahilanang unang araw pala ng Balikatan? πŸ™‚ Kayat naisipan naming maghanap ng alternatibong pupuntahan at eksaktong nadaanan namin ang karatula ng Bueno Hot Spring. Hindi inaakalang meron palang Hot Spring na malapit lamang. Kayat di na namin pinalagpas na subukang maligo sa napaka init na tubig, kelangan mo pang palamigin sa Timba bago ibuhos sa katawan.

Matapos noon ay bitin pa kayat napagkasunduan na dumiretso na ng Monasterio De Tarlac. Magtatanghali na kayat napakainit na sa daan dahil wala man lang punong kahoy na masisilungan. Hapon na ng marating namin ang pinakatuktok ng Monasterio at matapos magpahinga ay bumaba din agad upang maligo sa Ilog na nasa ibabang bahagi Β ng bundok.
Don na kami nagpahinga ng husto at nagpalamig, pagkatapos ay umuwi na. Mga bandang Alas otso na ng gabi nakarating sa aming mga tahanan.

Maraming Salamat sa poong Mayakapal sa ligtas at masayang paglalakbay.
Maraming Salamat din sa aking malupet na kasamang Master Nelson πŸ™‚

Pindutin para sa mga Larawan
Layo o distansya mahigit 140km hanggang pabalik, nahuli lang ang pagbukas ng GPS.
Pindutin para sa Mapa (GPS)