Mga Imbak na Marka: camnorte

Padyakan sa Bikol

Maraming salamat sa mga nakasama kung Maphu Bikers 🙂
Mula umaga hanggang gabing padyakan 🙂

Mga Destinasyon.
Pandawan Mercedes
Mananap Falls, San Vicente
Nacali Falls, San Lorenzo Ruis
Bagasbas Beach, Daet
Camarines Norte.

Pindutin para sa mga Larawan

GPS
https://www.strava.com/activities/945558861 https://www.strava.com/activities/945558887

Padyakan sa Bikol

Maraming salamat sa mga nakasama kung Maphu Bikers 🙂 Mula umaga hanggang gabing padyakan 🙂 Mercedes, Bagasbas Beach, Nacali Falls, Mananap Falls, Daet, Camarines Norte.

Pindutin para sa Larawan

Talaan ng Paglalakbay:

https://www.strava.com/activities/945558861

https://www.strava.com/activities/945558887

Colasi Falls


Meron pa palang isang nakatago at napakagandang Talon ang CamNorte 🙂 Ito ay ang Talon ng Colasi na matatagpuan din sa Brgy. Colasi bayan ng Mercedes.

Iilan pa lamang ang nakararating dito dahil sa may kalayuan. ito rin ang una kong pagkakataon na marating ang lugar.

Nagsimula akong pumadyak mula sa bayan ng San Vicente bandang alas dyes (10:19 am) ng umaga.
Nadaanan ko ang ilang brgy. na nasasakop ng bayan ng Daet at Basud at binaybay ang kahabaan at napakagandang dalampagisan ng Mercedes.
Bandang ala una (1:00 pm) ng marating ang brgy. Colasi.
Matapos magpa rehistro ay binigyan kami ng tour guide, may kasama ng helmet at life vest. Mandatory ang tour guide dahil nakakaligaw talaga sa bundok..

Napakaganda ng daan sa gilid ng mga bundok. Napansin ko rin na ang ibang daang tinatahak ay dating pinagdadaanan ng “Tablon”.
Ang “Tablon”ay nilagareng kahoy (lumber) galing sa bundok habang hinhila ito ng kalabaw. (Ang orihinal na Carabao Trails :))
Nauso ito noong dekada 60-70 at 80’s noong napakarami pang punong kahoy sa mga kabundukan.

Napakabait din ng mga naninirahan sa paligid ng bundok, kayat nakakatuwa ng biglang nagmano or nag bless ang 2 batang biglang nakasalubong sa bundok.

Narating namin ang Talon mahigit alas kwatro na ng hapon at medyo dumidilim na sa kabundukan. Sulit at nawala lahat ng pagod at hirap dahil sa napakagandang tanawin lalo na kapag nasilayan mo napakataas na Talon at madampian ng napakalamig ng tubig :). Matapos kumuha ng ilang bideyo at larawan ay nagmamadali na rin kaming umuwi. Lagpas ng Alas sais (6:15pm) ng makalabas kami kayat inabot na ng dilim sa daan ang pag uwi.

Nakabalik sa Daet mga bandang alas otso y medya (8:30 pm) pagkatapos ay dumaan pa i sa San Nicolas, Talisay upang makikain sa fiesta 😀

Pindutin para sa mga Larawan 🙂
Taos pusong pasasalamat sa poong maykapal sa masaya at ligtas na paglalakabay 🙂
Taos pusong pasasalamat kay Mang Juan sa pag guide patungong Talon at kay Big bro 🙂

Ito ang talaan ng buong paglalakabay 🙂 – 100.5km
San vicente – Daet – Basud, Mercedes – Culasi Falls – Basud – Daet – Talisay – Sto Domingo Vinzons
https://www.strava.com/activities/310204856

Ito ang talaan buhat San vicente to Colasi Falls – 49.87km
http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/culasi-falls/1786337/full

Ito naman ang talaan buhat sa Colasi Falls – patungo sa labasan (main highway) – 4.27km
http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/colasi-falls-hiking/1786339/full

Ito naman po ang mga bayarin 🙂
Environment Fee – 20 pesos per head.
Porter Fee – 250 pesos (500 overnight)
Kasama na ang Helmet at Life Jacket

Paki kontak na lang po ang mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon o kung may katanungan :
Brgy. Treasurer : Maria Rachele Estrella – 0907-6439215
Brgy. Captain :Joel Aragona – 0909 – 4850191

Mananap Falls 2015


Dahil sa labis akong nabibighani sa kagandahan ng Mananap Falls ay taon taon akong
umuuwi ng bikol para umakyat o magbisekleta patungo rito.
Ito pa lamang ang pangalawang beses kung nadala ang bisekleta sa mismong Talon. Kung tutuusin napakaikli o lapit lamang nito, subalit pagdating sa pagbubuhat ng bisekleta ay ito pa rin ang nangunguna sa aking listahan.

Akala ko nga ay hindi na ako matutuloy dahil tanghaling tapat na ng mapagpasyahan kung pumadyak. Umuulan kasi ng umaga at signal number 1 noong nakaraan araw kayat nagdadalawang isip ako na ituloy dahil delikado kung abutan ng buhos ng ulan sa bundok ng mag isa at maaring maglabasan pa ang limatik :). Kinakailangan ko ring bumalik agad dahil mamayang gabi na ang aking byahe pabalik ng Maynila.

Salamat sa Diyos at matiwasay akong nakarating at nakabalik ng mabilisan 🙂
Maswerte pa din dahil bukod sa hindi na bumuhos ang ulan ay nakatikim pa ako ng paboritong Galyang 😀 Salamat sa myembro ng WEO na nagbabantay ng kalikasan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan.

Pindutin para sa mga Larawan 🙂

Layo o Distansya: Mahigit 10km buhat sa bayan ng San Vicente

Pindutin para sa GPS Map