Licao-Licao


Halos bawat Sabado ay merong Padyakan ang PMTB kayat hindi ko ito pinalalagpas 🙂 Malaking tulong kasi ito lalo na sa mga baguhang katulad ko.

Isa rin ito sa napakasayang padyakan na nasamahan ko. Kasama ko dito ang Manila Bikers ng PMTB at iba pang grupo buhat sa ibat ibang lugar. Nagkita kita kaming lahat sa bahay ni Master Idol Papa Rocky 🙂 bago sabay sabay na tumungo sa Licao-licao.

Matinding putik ang bumalot sa aming mga bisekleta dahil na rin sa buhos ng ulan.
Matindi rin ang mga padyakin sa lugar kayat ang aking bisekleta ay nasiraan 😦 Mabuti na lamang at ng pauwi na ay may nadaanang pagawaan at merong pyesa 🙂

Isa ito sa naging paborito ko sa listahan ng mga napadyakan 🙂

Paki Pindutin para sa mga Larawan
Layo o Distansya: Mahigit 38km buhat sa Manila patungong Licao Licao. Siguro mahigit kumulang 20km yung trail 🙂 ? Padyak all the way 🙂

Petsa: 11/22/2008

Mag-iwan ng puna