Mga Imbak na Marka: trails

Manggahan Trail


Plano lamang sana naming rutahin ang daan para sa karera ng Reign to Glory.
Subalit naligaw kami kayat kung saan saan kami napasuot. πŸ™‚ Kagandahan lamang ay maulan at maputek kaya’t tila mga naging batang nagtampisaw sa buhos ng ulan at sa malakas na agos ng sapa na tila naging ilog. Dumiretso rin pala kami sa Sitio Batson / Batzone para bisitahin ang mga kaibigan Aeta.

Sa likod lang din pala ito ng Clark at sa gilid kami ng Xevera kami dumaan.

Pindutin para sa mga larawan. πŸ™‚

GPS Ruta ng Reign of Glory
https://www.strava.com/activities/1672839224

Bonanza Trail

 


Alas Tres ng madaling araw ng magsimula akong pumadyak buhat sa Mabalacat patungong Bagac, Bataan.
Masama ang panahon ng araw na ito dahil sa bagyo. Nasa may bandang Friendship Angeles ng bumuhos agad ang ulan mabuti na lamang malapit lang ako sa Jollibee kayat panandaliang nag almusal na rin. Bandang alas singko ay nasa tapat pa lang ako ng Basa Airbase 😦 basang basa na rin ako ng oras na ito dahil pabugso bugso ang hangin at ulan. Salamat don sa isang tindahan na binilhan ko ng Mantika subalit di na ako pinagbayad :).
Dahil kasi sa ulan at basang daan naubos ang langis ng aking kadena at maingay na :). Mga alas sais ng umaga ng bigla akong na flatan ng gulong 15km pa bago sumapit  Balanga. Mahigit alas otso na ng marating ko ang brgy. San antonio Bagac. Maraming salamat kay Master Adriel at sa grupo sa paghihintay at akoy humihingi ng paumanhin.

Ako ay namangha at nagulat πŸ™‚ sa natunghayang kagandahan ng Bonanza. Ayun kay Master Alfred ito ay maihahalintulad sa mga bundok at burol ng Batanes. Inabot kami ng malakas at pabugso bugsong ulan sa itaas ng bundok at halos matangay ng hangin. Kay gandang pagmasdan ang tila paghalik ng ulap sa kabundukan πŸ™‚ ang mga tanawing ngayon lamang nasilayan ay hindi maihahalintulad sa mga nakaraang lugar na napadyakan o napuntahan.
1. Pindutin para sa mga Larawang kuha ko
2. Larawang  kuha ni Master Alfred
3. Larawang kuha ni Master Adriel
Dinaanan din namin ang dalawang Talon sa Sitio Antipolo ang Baisin at Gugu Falls πŸ™‚

Malagkit din pala dito ang putek πŸ˜› kayat habang pumapadyak ay lumalaki ang gulong :).  Pauwi ay sumakay na ako ng Bus hanggang San Fernando kasabay ko sina Master Adriel at Alfred.  At nag bisekleta buhat San Fernando hanggang Mabalacat.

Nasa mahigit 140km buhat sa Mabalacat hanggang matapos ang padyakan. Pindutin para sa GPS Map .
Nasa 16km ang Bonanza Trail at 30km paikot buhat sa Brgy. San Antonio, Bagac, Bataan.

Maraming salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Maraming salamat  lalo na kay Master Adriel Paglinawan na pasimuno at nagimbita para sa padyakang ito πŸ™‚ Maraming Salamat din kina Master Alfred, Bob,Marwin,Edrie, Kiko at gayon din  kay Sir  Edwin Teopengco πŸ™‚ Salamat po.
Hanggang sa muling paglalakbay πŸ™‚

Davilan Trails


2008 pa ng huli akong makapag bisekleta sa bandang Laguna at Cavite πŸ™‚ Salamat kay Master Manoy sa pag imbita.Β Dinala nila ako sa paborito nilang palaruan ang “Davilan Trails” na nasasakop na ng Carmona Cavite. Nagsimula kami sa mismong bayan ng Carmona, dumaan patungong Nuvali at lumabas sa Cardiac Hill. Nagpahinga at uminom ng buko sa Bukuhan :). Dito na rin kami nagkita ni Master Marlon πŸ™‚ galing pa siya ng bandang Molino. Matapos magpahinga ay sama sama na kaming dumiretso patungo sa Davilan.Β Napakaganda rin ng daan dito at puro pababa na medyo teknikal. Meron din kubo na pwede kang magpahinga na kung saan matatanaw mo ang buong bayan ng Carmona at kalapit na bayan. OO nga pala sobrang matamis ang pinya sa Silang πŸ™‚ Kulang ang pamamasyal mo kung hindi mo ito matitikman. Pindutin para sa mga Larawan πŸ™‚ Layo o Distansya: Nasa Mahigit 30km paikot ng Carmona, medyo nahuli lang ang pagkatala ng GPS πŸ™‚ Paki pindot para sa GPS Map πŸ™‚