ABUYOG – COLONIA (LEYTE REGIONAL PRISON)


Mapalad ako na makilala at makasama ang magigiting na mamadyak ng Abuyog Leyte, ang Nabic Riders 🙂

Naimbitahan nila akong pumadyak sa Colonia (tawag nila dito) . Ang Leyte Regional Prison na naitatag matapos ang Martial Law noong 1972.

Maganda rin kasi ang mga tanawin patungo rito kayat isa ito sa kanilang madalas na pinupuntahan.

Sa kabila ng lakas ng ulan ay natuloy pa rin ang padyakan. Humabol na nga lamang ako dahil sa lakas ng ulan late na ako nakapag simula. Naabutan ko sila bago dumating sa mahabang tulay na kung saan napakalaki ang ilog, na nasa gilid ng bundok at taniman ng palay.

Matapos namin marating ang lugar ay nagpahinga lamang ng ilang sandali at bago umuwi ay may dumaan kami sa isang lugar (di ko na matandaan :D)  kung saan kami ay muling nagpahinga at kumain ng librng tanghalian at uminom ng tuba :D.
Maraming Salamat Nabic Riders, sana ay muli tayong magkasama sama balang araw.

Madalas manalo ang Abuyog sa Sinulog Festival ng Cebu.

Petsa: Disyempre 27,2008
Uri ng padyakan : Madali lang, me bahagyang ahon.
Layo o Distansya : Mahigit Kumulang 16 kilometro buhat sa bayan ng Abuyog

Paki pindot para sa mga  Larawan 🙂

Mag-iwan ng puna