Mga Imbak na Marka: adventure

malunto hill /apung malunto


Madalas o minsan kung saan pa yung malapit na lugar, yun pa ang di mo nagagalugad. Tulad nitong burol na makailang beses ko ng nadaanan ang gilid at paanan. Kung saan dito pala ay may isang napakalaking Bato na sa ibabaw ay patag.

Dito ay matatanaw at masisilayan mo ang nakapagandang tanawin. Tulad ng Clark, Tulay ng Sacobia (bago at luma), Ilog ng Sacobia, Bundok Arayat, Solar power plant, mga bulubundukin ng Pampanga at Tarlac.
Maririnig mo rin ang huni ng mga Ibon, kuliglig, tilaok ng manok at iba pa. Sarap mag relaks :).

Apung Malunto ang tawag nila (lokal) sa burol. Noong unang panahon ay may umaakyat dito upang mag alay ng panalangin tuwing mahal na araw.
Malunto Hill raw ang tamang pangalan ng burol ayun sa mga kaibigang bikers. 🙂

May mga puno rin ng Alibangbang na pwede palang gawing pang asim o pang sigang sa mga lutuing bahay at masarap din daw sa papaitan.

Naway ating maalagaan para lalong gumanda ang ating pasyalan. “

Para sa mga Larawan
1. Solo exploride
2. Kasama ang Clark MTB at TICL

Pindutin para sa talaan ng paglalakbay (GPS)
Yung palikong bahagi sa mapa pagkalagpas ng tulay ng Sacobia ang lokasyon ng The Rock!

badi falls, Kapangan, benguet

Halos tatlong araw na padyakan.

  1. Unang Araw – Baguio to Brgy. Balakbak, Kapangan – Longog Cave – Amburayan River – Kabundukan sa Daan 🙂
  2. Ikalawang Araw – Brgy. Balakbak to Brgy Sagubo – Kapangan Badi Falls – Liteng
  3. Ikatlong Araw – Pasyal sa Liteng – Liteng to Taba-ao – Uwian na.

Maraming Salamat sa Diyos sa ligats na paglalakbay. Sobrang ganda talaga sa Kapangan 🙂 Maraming Salamat Master Weisser Coilan sa espesyal na imbitasyon. Maraming Salamat rin sa iyong buong pamilya sa mainit na pag tanggap.

Maraming Salamat sa lahat ng taong aming nakasalamuha. Sobrang bait talaga ng mga taga cordillera, Sobrang ganda at napaka linis ng lugar.

Syempre Maraming Salamat Masters Marlon Sazon Gabe Paras Goro Jose Shigeno Ang Sarap ngu Etag (Pork and beans) , Pinikpikan atbp na luto ni Ankol Sammy (Tiyo ni Master Weis) Maraming Salamat po!  at maraming salamat din din kay Master Emat na nag guide sa amin patungong Badi falls at Liteng na inabot na ng hatinggabi.

Unang beses din nakatikim ng Rice Wine. 🙂 Sobrang ganda talaga lalo na sa Liteng 🙂 Kapangan Badi Falls Kapangan Benguet. MAP MAP TENG!

Pindutin para sa mga larawan 🙂

GPS
https://www.strava.com/activities/1415060342
https://www.strava.com/activities/1415060482
https://www.strava.com/activities/1415060203 https://www.strava.com/activities/1415060234

Cordillera Super Epic

Ito naman ang Bideyong hatid ni Master Marlon

Pindutin para sa GPS talaan ng Paglalakbay
Ruta -> Ambuklao-Bobok-Bisal – Dayap – Banao – Cabayo  – Purgatory Trail – Ambuklao

Pindutin para sa mga Larawan

Uri ng padyakan: Buwis Buhay 🙂 Sobrang Hirap pero sobrang saya at sarap.

Umaga kami nagsimula. Inumaga na rin nakauwi.
Maraming Salamat sa Diyos sa ligtas na paglalakbay.

Doble ingat sa pababa kapag gabi, dahil minsan ay natutulog sa gitna ng daan ang ating mga kababayan.

Maraming Salamat Master Harry sa padyakang Ito. Maraming Salamat Master Marlon, Chief JP, Sir Aldo at Sir Mark.

Padyakan sa Pinatubo 4

Maraming Salamat sa lahat ng bumuo ng padyakang ito 🙂
Capas mountain trail riders at Pampanga Trail Bikers 🙂 Sa lahat ng sumama at nagbigay tulong para sa ating mga kaparid na Aeta. Mabuhay po kayo!

Mga Larawan – https://www.facebook.com/pg/kurumbot/photos/?tab=album&album_id=732295156895089

GPS Map – https://www.strava.com/activities/985975860

 

 

3rd Miyamit Falls Bike for a Cause

Maraming salamat sa pasimuno ng padyakang ito sa pangunguna ng
Pampangas Trail Bikers (Adriel,Chris,Alex,Doc lynete Atbp.) sa lahat ng grupo at mga mamadyak na sumuporta at sumama sa makabuluhang padyakan.

Maraming Salamat sa 272 mamadyak 🙂 dahil dito ay nabiyayaan ang nasa 430 pamilya na mga kapatid nating Aeta.

 

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa napakagandang lugar ng Miyamit at sa ligtas na paglalakbay.

Baguio – Sagada – Banaue (Solo Ride)




Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa matagumpay at ligtas na paglalakbay kahit inabot ng gabi at ulan sa kabundukan. Ito ang kauna-unahan kung beses na makarating ang Mountain Province at Ifugao.  Napanganga ako 😀 sa nakamamanghang kagandahan ng mga tanawin lalo na sa Sagada, Bontoc (Mountain Province) at Banaue (Ifugao). Ibang klaseng karanasan na tila kinakailangang balik balikan upang muling namnamin ang tamis ng paglalakbay.

Pindutin para sa mga Larawan

Para sa GPS Map
1. Unang Araw – 154.9km – (Loaakan Airport – Sagada)
1.1. Sagada Tour (7.67km)
2. Ikalawang Araw – 64.53km (Sagada – Bontoc – Banaue) Mahigit 8 oras 🙂
2.2 Banaue Tour (3.49km)

Gamit/Gears – Back pack, Saddle bag (rear and front), hydration 2.0 liters + water bottle. cellphone, camera, power bank, lights, extra battery, emergency blanket, rain coat,wind breaker, bike tools + pocket MONEY 🙂

Gulong – 2.1 (any size po pwede naman almost road naman)
Video Setup – 1 action cam (helmet) + 1 digicam
Tools – Patch kit, spare tubes & multi tools.
Eat – Along the way marami naman po makakainan sa mga bayang madadaanan o tindahan + me baon din akong ilang chocolates ; bread / sky-flakes 😀
1. Luyongs Restaurant – Breakfast – Malaki at masarap na siopao
2. AL’s Retaurant – Lunch
3. Gavino Stop Over Restaurant – Advance Dinner 😀
4. Meryenda bawat stop over sa mga small stores at bago umakyat ng Sagada at pagdating ng Sagada.
Rest/Sleep – Sa mismong destinasyon marami pong lodge / motel 250 pesos above both Sagada and Banaue.
Preparation – Padyak lang po ng padyak ng malalayong lugar at mag ensayo din sa mga akyatan. Research sa lugar na pupuntahan, Magtanong sa mga kakilala o kapwa biker na nakarating na sa lugar.

Dagdag Tips,
1. Weather check bago ituloy ang pagpadyak.
2. Dasal before and after the Ride 🙂
3. Take it easy relax and enjoy the view. Wag pwersahin baka di kayanin. Mahaba pa ang ahon itulak o akayin ang bisikleta.
4. Mag ingat sa Downhill /Pababa
5. Wag masyadong gumilid at mag ingat sa mga bato /falling rocks at sa bangin.
6. Pag ginabi mag ingat sa mga ASO. Andaming Aso pag gabi 😛
7. Wag masyadong mabigat ang laman ng bag sa likod.
8. Kumain bago magutom at uminom bago mauhaw. + magpahinga bago mapagod 🙂

Kapag nasa Sagada maari nyo po palang kontakin si Maks bilang tour guide. Sa Banaue po pala walang ATM machine habang sinusulat ko ang pahinang ito. Doble ingat din po pala sa mga aso lalo na kapag inabot ng gabi sa kabundukan kinakailangang mapagmatyag at mag dahan dahan dahil minsan ay may mga baka na nasa gitna ng madilim na daan at napagkamalan ko pang kapre o tikbalang 🙂 😛