Davilan Trails


2008 pa ng huli akong makapag bisekleta sa bandang Laguna at Cavite 🙂 Salamat kay Master Manoy sa pag imbita. Dinala nila ako sa paborito nilang palaruan ang “Davilan Trails” na nasasakop na ng Carmona Cavite. Nagsimula kami sa mismong bayan ng Carmona, dumaan patungong Nuvali at lumabas sa Cardiac Hill. Nagpahinga at uminom ng buko sa Bukuhan :). Dito na rin kami nagkita ni Master Marlon 🙂 galing pa siya ng bandang Molino. Matapos magpahinga ay sama sama na kaming dumiretso patungo sa Davilan. Napakaganda rin ng daan dito at puro pababa na medyo teknikal. Meron din kubo na pwede kang magpahinga na kung saan matatanaw mo ang buong bayan ng Carmona at kalapit na bayan. OO nga pala sobrang matamis ang pinya sa Silang 🙂 Kulang ang pamamasyal mo kung hindi mo ito matitikman. Pindutin para sa mga Larawan 🙂 Layo o Distansya: Nasa Mahigit 30km paikot ng Carmona, medyo nahuli lang ang pagkatala ng GPS 🙂 Paki pindot para sa GPS Map 🙂

Mount Pinatubo


Maraming Salamat sa Poong maykapal sa napakagandang tanawin at ligtas na paglalakbay 🙂 Ito na ang ikatlong paglalakbay sa nakamamanghang Bundok Pinatubo 🙂 Kasama ko ang mga master sa padyakan Nelson, Tisoy at Adriel 🙂
Balikang padyakan mula Mabalacat, Pampanga hanggang Pinatubo.

Nakakalungkot lamang na balita para sa mga Mountain Bikers,
sa kadahilanang merong ng bayad ang pagpunta sa Pinatubo. At Sobrang MAHAL!
Dahil mas mahal pa kapag naka bisekleta kesa sa presyo sa mga turistang namamasyal mapa lokal o dayuhan.

4×4 – 3500
Trailer – 700 dagdag bayad para sa mga naka bisekleta 😦
Guide – 500
[Para sa Limang Tao]
+ Conservation Fee – 450 – bawat isa

Mabuti na lamang at maaga kaming umalis. Alas Tres medya ( 3:30 am ) ng magsimula kaming pumadyak mula Mabalacat at nakarating kami sa bukana ng trail bago mag alas sais (6:00am) ng umaga. Nang nasa kalagitnaan na kami ay bigla kaming hinintuan ng isang taga tourism na nakasakay sa 4×4 at sinabing kelangan daw naming magpa rehistro muna at kelangan naming bumalik? Mabuti na lamang at napakiusapan pa rin namin at pinayagang ipagpatuloy ang paglalakabay sa pangakong kami ay dadaan sa Tourism pauwi.

Matapos kaming pumadyak ay dumaan kami sa Tourism. Mabuti na lamang at hindi kami siningil 🙂 Pinagsabihan lamang kami na sa susunod ay kailangan na naming magpa rehistro kasama ang mga bayarin 😦 Kung medyo tinanghali pala ay siguradong hindi kami natuloy katulad ng ibang Mountain Bikers na nahuli ng dating.

Naway maibalik sa dati na libre lamang na pumasok ang mga naka bisekleta at kung kelangang magbayad sana ay medyo mura lang ang Conservation Fee at gawing optional na lamang ang 4×4 at Guide.

1. Pinndutin para sa mga Larawan
2. Larawang kuha ni Master Adriel 🙂

Pindutin para sa GPS Map Sports tracklive (one way)
Pindutin para sa GPS Map Strava balikan

…….

Colasi Falls


Meron pa palang isang nakatago at napakagandang Talon ang CamNorte 🙂 Ito ay ang Talon ng Colasi na matatagpuan din sa Brgy. Colasi bayan ng Mercedes.

Iilan pa lamang ang nakararating dito dahil sa may kalayuan. ito rin ang una kong pagkakataon na marating ang lugar.

Nagsimula akong pumadyak mula sa bayan ng San Vicente bandang alas dyes (10:19 am) ng umaga.
Nadaanan ko ang ilang brgy. na nasasakop ng bayan ng Daet at Basud at binaybay ang kahabaan at napakagandang dalampagisan ng Mercedes.
Bandang ala una (1:00 pm) ng marating ang brgy. Colasi.
Matapos magpa rehistro ay binigyan kami ng tour guide, may kasama ng helmet at life vest. Mandatory ang tour guide dahil nakakaligaw talaga sa bundok..

Napakaganda ng daan sa gilid ng mga bundok. Napansin ko rin na ang ibang daang tinatahak ay dating pinagdadaanan ng “Tablon”.
Ang “Tablon”ay nilagareng kahoy (lumber) galing sa bundok habang hinhila ito ng kalabaw. (Ang orihinal na Carabao Trails :))
Nauso ito noong dekada 60-70 at 80’s noong napakarami pang punong kahoy sa mga kabundukan.

Napakabait din ng mga naninirahan sa paligid ng bundok, kayat nakakatuwa ng biglang nagmano or nag bless ang 2 batang biglang nakasalubong sa bundok.

Narating namin ang Talon mahigit alas kwatro na ng hapon at medyo dumidilim na sa kabundukan. Sulit at nawala lahat ng pagod at hirap dahil sa napakagandang tanawin lalo na kapag nasilayan mo napakataas na Talon at madampian ng napakalamig ng tubig :). Matapos kumuha ng ilang bideyo at larawan ay nagmamadali na rin kaming umuwi. Lagpas ng Alas sais (6:15pm) ng makalabas kami kayat inabot na ng dilim sa daan ang pag uwi.

Nakabalik sa Daet mga bandang alas otso y medya (8:30 pm) pagkatapos ay dumaan pa i sa San Nicolas, Talisay upang makikain sa fiesta 😀

Pindutin para sa mga Larawan 🙂
Taos pusong pasasalamat sa poong maykapal sa masaya at ligtas na paglalakabay 🙂
Taos pusong pasasalamat kay Mang Juan sa pag guide patungong Talon at kay Big bro 🙂

Ito ang talaan ng buong paglalakabay 🙂 – 100.5km
San vicente – Daet – Basud, Mercedes – Culasi Falls – Basud – Daet – Talisay – Sto Domingo Vinzons
https://www.strava.com/activities/310204856

Ito ang talaan buhat San vicente to Colasi Falls – 49.87km
http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/culasi-falls/1786337/full

Ito naman ang talaan buhat sa Colasi Falls – patungo sa labasan (main highway) – 4.27km
http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/colasi-falls-hiking/1786339/full

Ito naman po ang mga bayarin 🙂
Environment Fee – 20 pesos per head.
Porter Fee – 250 pesos (500 overnight)
Kasama na ang Helmet at Life Jacket

Paki kontak na lang po ang mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon o kung may katanungan :
Brgy. Treasurer : Maria Rachele Estrella – 0907-6439215
Brgy. Captain :Joel Aragona – 0909 – 4850191

Mananap Falls 2015


Dahil sa labis akong nabibighani sa kagandahan ng Mananap Falls ay taon taon akong
umuuwi ng bikol para umakyat o magbisekleta patungo rito.
Ito pa lamang ang pangalawang beses kung nadala ang bisekleta sa mismong Talon. Kung tutuusin napakaikli o lapit lamang nito, subalit pagdating sa pagbubuhat ng bisekleta ay ito pa rin ang nangunguna sa aking listahan.

Akala ko nga ay hindi na ako matutuloy dahil tanghaling tapat na ng mapagpasyahan kung pumadyak. Umuulan kasi ng umaga at signal number 1 noong nakaraan araw kayat nagdadalawang isip ako na ituloy dahil delikado kung abutan ng buhos ng ulan sa bundok ng mag isa at maaring maglabasan pa ang limatik :). Kinakailangan ko ring bumalik agad dahil mamayang gabi na ang aking byahe pabalik ng Maynila.

Salamat sa Diyos at matiwasay akong nakarating at nakabalik ng mabilisan 🙂
Maswerte pa din dahil bukod sa hindi na bumuhos ang ulan ay nakatikim pa ako ng paboritong Galyang 😀 Salamat sa myembro ng WEO na nagbabantay ng kalikasan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan.

Pindutin para sa mga Larawan 🙂

Layo o Distansya: Mahigit 10km buhat sa bayan ng San Vicente

Pindutin para sa GPS Map

Tagbak

Bukod sa kurumbot itong Tagbak ang isa sa rin sa paborito kung prutas sa gubat.
Kakaiba din kasi ang lasa nito. Kapag hinog na ay kulay dilaw ang balat.
Lasang matamis tamis na parang di mo maintindihang pakla ? hehehe

Ginagamit din itong herbal na medisina ayun sa mga website kung nabasa.
Alpinia elegans o Kolowratia elegans Presl ang scientific na pangalan.

Ang mga larawan ay kuha ko sa kabundukan ng Maria, Aurora habang naglalakbay patungong Baler.

tagbak3

tagbak4

tagbak2

tagbak1

Bisekleta sa Trabaho

Isa sa magandang ehersisyo ang pagbibisekleta patungo sa trabaho.
Kayat madalas kapag maganda ang panahon mga 2-5 beses sa isang linggo kung magbisekleta papasok sa trabaho.

Manila hanggang Alabang ang pinakamalayo kung nabisekleta papasok ng trabaho.

Marami rin akong kaibigan at kakilala na halos araw araw ay nagbibisekleta papasok sa trabaho. Saludo po ako sa inyo 🙂

Maiiwasan mong magkasakit, lalakas pa ang pangangatawan at nakakatulong ka pa sa kalikasan 🙂

front2

Miyamit Falls 2014

Ang pababalik sa Miyamit! Hindi katulad noong unang pagpunta na nakaranas kami ng gutom at pagka uhaw at inabot ng gabi sa daan pauwi :(. Ngayon ay pinagplanuhan na naming mabuti. Kumuha rin kami ng permit sa Munisipyo ng Porac at Nagdala na rin kami ng sasakyan patungong Sapang Uwak para doon magsimulang pumadyak. Mayroong bayad din na bente pesos para sa baranggay at karagdagang bente pesos kapag malapit ka na sa Talon ng Miyamit.
 
Kami pa rin ang orihinal na magkakasama noong unang punta namin dito. Nabawasan lamang kami ng dalawa dahil sa tawag ng tungkulin 🙂
 
May dala rin kaming ilang damit at pagkain para ipamigay doon sa pamilyang nagpakain sa amin 🙂 Subalit pag daan namin ay wala ng tao ang bahay at wala ng nakatira. Kayat pinamigay na lamang namin sa pamilyang nadaanan namin malapit sa Miyamit Falls.
Uri ng padyakan : Mahirap pero Masarap 🙂
Layo o Distansya : Mahigit kumulang 14km buhat Sapang Uwak Hanggang Miyamit Falls at 48.92 Kilometro buhat sa Mabalacat

Pindutin para sa GPS Talaan ng Paglalakbay

Bito Lake

Pagkalipas ng mahigit isang taon (Pagkatapos ng bagyong Yolanda) ay naisipang kung bisitahin ang Bito Lake gamit ang aking bisekletang tiklop.

Ang Bito Lake ay matatagpuan sa Barangay Villa Imelda, sakop ng bayan ng MacArthur, Leyte.
Nasa 7km ang layo buhat sa bayan ng MacArthur at mahigit 50km naman sa Tacloban, Leyte.
Isa ito sa pinagkukunan ng Isdang tabang o fresh water fish ng Leyte.

Pindutin para sa mga Larawan 🙂

Pindutin para sa GPS Map