Mga Imbak na Marka: mountain

malunto hill /apung malunto


Madalas o minsan kung saan pa yung malapit na lugar, yun pa ang di mo nagagalugad. Tulad nitong burol na makailang beses ko ng nadaanan ang gilid at paanan. Kung saan dito pala ay may isang napakalaking Bato na sa ibabaw ay patag.

Dito ay matatanaw at masisilayan mo ang nakapagandang tanawin. Tulad ng Clark, Tulay ng Sacobia (bago at luma), Ilog ng Sacobia, Bundok Arayat, Solar power plant, mga bulubundukin ng Pampanga at Tarlac.
Maririnig mo rin ang huni ng mga Ibon, kuliglig, tilaok ng manok at iba pa. Sarap mag relaks :).

Apung Malunto ang tawag nila (lokal) sa burol. Noong unang panahon ay may umaakyat dito upang mag alay ng panalangin tuwing mahal na araw.
Malunto Hill raw ang tamang pangalan ng burol ayun sa mga kaibigang bikers. πŸ™‚

May mga puno rin ng Alibangbang na pwede palang gawing pang asim o pang sigang sa mga lutuing bahay at masarap din daw sa papaitan.

Naway ating maalagaan para lalong gumanda ang ating pasyalan. “

Para sa mga Larawan
1. Solo exploride
2. Kasama ang Clark MTB at TICL

Pindutin para sa talaan ng paglalakbay (GPS)
Yung palikong bahagi sa mapa pagkalagpas ng tulay ng Sacobia ang lokasyon ng The Rock!

Padyakan sa Bikol

Maraming salamat sa mga nakasama kung Maphu Bikers πŸ™‚ Mula umaga hanggang gabing padyakan πŸ™‚ Mercedes,Β Bagasbas Beach, Nacali Falls, Mananap Falls, Daet, Camarines Norte.

Pindutin para sa Larawan

Talaan ng Paglalakbay:

https://www.strava.com/activities/945558861

https://www.strava.com/activities/945558887

Nacali Falls


Ang Talon ng Nacali (Nacali Falls) ay nasasakop ng bayan ng San Lorenzo Ruiz. (Imelda ang dating tawag sa bayan). Ito rin ngayon ang bagong atraksyon ng mga turista sa CamNorte πŸ™‚

Bago mo marating ang Talon ay kinakailangan mong sumakay ng Zip-line para makatawid sa kabilang bundok. Maari pa rin namang hindi gumamit ng zip-line subalit tatahakin mo ang bundok at tiyak na matatagalan.

Kasama ko pala dito si Master Joel ng Maphu Bikers πŸ™‚
Akala namin ay madali lamang dahil maaga pa lamang (8:30am) ay nakatawid na kami ng zip-line.

Unang beses pa lang rin nilang ginamit ang zip-line sa pagsakay ng bisekleta. Dati kasi ay gumagamit sila ng Tram-line subalit ito ay kasalukuyang hindi gumagana.

Binigyan kami ng payo tungkol sa mga daan, Subalit pagdating na sa gitna ng kabundukan ay napakaraming sanga sangang daan at nakakalito kayat napabalik pa at naligaw ng di inaasahan Maswerteng may nakasalubong kami at napagtanungang magsasaka kayat muling natunton ang tamang daan.

Pagbaba sa bandang ilog ay wala pa rin kaming talon na natagpuan.:(
Kayat sinubukan naming akyatin ang bundok dahil may nakita kaming daan. Naikot na namin at narating ang isa pang ilog sa kabila subalit walang talon na nakita. Sa itaas ay ilang beses din na nakapitan kami ng limatik, dahil na rin sa pabugso bugsong ulan kung saan sila naglalabasan.

Tila nawawalan na ng pag asa pang makita ang talon. Eksaktong alas dose na ng tanghali ay nasa tuktok pa kami ng bundok na unti unti pang dumidilim dahil sa sama ng panahon.

Napag pasyahang muling bumalik muli sa unang ilog sa ibaba. Dahan dahan ang pagbaba dahil sa bukod sa matarik ay madulas pa ang daan dahil sa ulan. Habang pababa sa bandang kanan ay may narinig kaming lagaslas ng tubig. Laking tuwa ng silipin dahil sa wakas! tila ito na ang talon naming hinahanap.Subalit hindi pa lubos na masilayan dahil sa matarik na bangin at maraming punong nakaharang.

Nang makababa ng ilog ay binaybay namin pababa sa bandang pakaliwa at doon lubos na kasiyahan ang nadama ng masilayan ang nakatago at nakaka bighaning Talon. Sobrang linis at linaw ng tubig πŸ™‚ Napakalapit lamang pala kung tutuusin πŸ™‚ Nakatago lang pala sa gilid na bahagi ng bundok. πŸ™‚

Sa bandang ibaba ay merong mini pool at falls at sa bandang itaas ang mismong napakaganda at mataas na Talon.

Matapos kumuha ng tubig, larawan, at bideyo ay nagmamadali rin kaming bumalik Medyo mabilis din nakabalik dahil sa pababang daan.Alas Tres y medya na ng makauwi sa aming mga tinutuluyan. Tamang tama 5:30pm ang alis ng DLTB Bus pauwi ng Maynila kayat nakapag pahinga pa ng kunti bago bumiyahe pabalik.

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa Ligtas na paglalakbay πŸ™‚

Pindutin para sa mga LarawanΒ 

GPS Tracking –
1. https://www.strava.com/activities/780409265 (San Vicente – Nacali Falls) back in forth. – 66.8km
2. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/nacali-falls-to-daet/2192729/full – 17.49km
3. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/daet-to-calabagas/2192730/full – 12.74km
4. Nasa halos 4km ang trail buhat sa zip-line papuntang Nacali Falls
5. Mahigit kumulang 2.5km ang layo ng Mananap Falls at Nacali Falls

Zip-line (two way) /per head
1. Sitting – 250 php
2. Superman – 350 php
3. Bike – 50 Php (2 mtb)
4. Tour Guide – 300 per group (max 5 person)

Para sa iba pang katanungan tungkol sa Nacali Falls / Zip-line, maari nyo pong kontakin si Sir Sammy Efondo – 0930-2850177

Pampanga – Baler – Pampanga


Maraming Salamat sa Poong maykapal sa ligtas at matiwasay na paglalakbay πŸ™‚
Padyakang balikan mula Pampanga patungong Baler. Kasama ko dito ang magiting na mamamadyak na si Master Marlon. Nagsimula kaming pumadyak ng gabi buhat sa Mabalacat na medyo bumubuhos ang ulan, pagdating ng bandang Tarlac at Nueva ecija ay napaka aliwalas naman. Mahigit alas kwatro na ng umaga bago namin narating at naakyat ang Pantabangan kung saan kami umidlip at nagpahinga. Sa hirap ng ahon at inabutan pa ng init ng araw sa kabundukan ay hapon na bago narating ang Baler, dinaanan na rin namin ang Higanteng Balete sa Maria Aurora.

Kinabukasan ay pinasyalan namin ang dalawan sikat na Talon nang San Luis, ang talon ng Ditumabo (Mother Falls) Β at Caunayan.Β Habang pauwi ay naabutan namin si Master Nelson malapit na sa bayan ng Baler. Pumadyak din galing Pampanga kasama ang kanyang mga katrabaho na galing naman ng Manila.

Nang sumapit ang Β gabi matapos makapagpahinga at kumain ay sinimulan na rin naming pumadyak pabalik ng Pampanga, subalit biglang bumuhos ang ulan kayat medyo naantala πŸ™‚ .Agad ipinagpatuloy ng medyo tumila at nagsuot na rin ng kapote :). Β Mas masarap talagang pumadyak sa gabi bukod sa malamig ang panahon at halos walang sasakyang dumaraan. Halos maligo pa rin sa pawis habang binabagtas ang mga kalsadang bundok ng Aurora. Sobrang hirap pa rin lalo na ang bahagi sa pagitan ng Aurora at CastaΓ±eda, Nueva Viscaya. Halos magliliwanag na ng marating namin ang bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija. Β Eksaktong 2:26pm na ng hapon ng marating namin ang Mabalacat. πŸ™‚

Ito yung mga lugar kung saan kami kumain at nagpahinga.
1. Petron Pantabangan – Kumain ng agahan ng patungong Baler, me libreng kubo kung saan kami naidlip panandalian. 80 pesos isang order ng adobong kambing.
2. PetronΒ  CastaΓ±eda – Tanghalian – 50 pesos yung baka na tila tapa? pero masarap. mas sumarap dahil sa kaning organiko.
3. Tindahan ni Apple sa itaas ng bundok sa napakatarik na kalsada πŸ™‚ bandang aurora at Β bukas 24 oras. Masarap yung organikong suman na nanalo raw sa paligsahan. at napakamurang bilihin lalo na mga pasalubong, souvenirs at mga prutas.
4. Restaurant sa pagitan ng Talavera at Cabanatuan malapit sa Arko – Sarap ng bulalong kalabaw na 50 pesos lamang πŸ™‚ nagbigay lakas para makapadyak pabalik ng Pampanga.
5. Gasoline station sa may arko ng Talavera at Cabanatuan – Kung saan kami madalas umidlip patungo at pabalik, meron ding Kubo sa gilid na pwedeng tulugan ng libre.
6. Kainan sa Rizal, Nueva Ecija na bukas 24 oras bago sumapit ng 7/11 kung saan kumain kami ng lugaw ng patungo ng Baler. Mag ingat lamang sa mga pagala galang tao na tila hindi natutulog πŸ™‚

Dobleng ingat rin kami sa mga Aso sa daan lalo na sa kabundukan na madalas humahabol pa habang pumapadyak πŸ™‚

Talaan ng Paglalakbay πŸ™‚
Unang Gabi – Pampanga to Baler – 195kmΒ https://www.strava.com/activities/731492911
Kinabukasan – Padyakan sa Talon – 51km –https://www.strava.com/activities/731491992
Pagsapit ng Gabi – Baler to Pampanga – 181km –Β https://www.strava.com/activities/731492796

3rd Miyamit Falls Bike for a Cause

Maraming salamat sa pasimuno ng padyakang ito sa pangunguna ng
Pampangas Trail Bikers (Adriel,Chris,Alex,Doc lynete Atbp.) sa lahat ng grupo at mga mamadyak na sumuporta at sumama sa makabuluhang padyakan.

Maraming Salamat sa 272 mamadyak πŸ™‚Β dahil dito ay nabiyayaan ang nasaΒ 430 pamilya na mga kapatid nating Aeta.

 

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa napakagandang lugar ng Miyamit at sa ligtas na paglalakbay.

Killer Loop – Bataan


Alas Dos ng madaling araw ng pumadyak ako buhat Mabalacat, Pampanga patungong San Fernando at doon sumakay ng Bus patungong Mariveles. Lagpas alas kwatro na ng dumating sa may Total Gasoline Station sa Β Crossing na patungong Mount Samat at Balanga. Napakalakas ng ulan ng mga bandang Alas Kwatro, mabuti na lamang at naging maalliwalas ang panahon ng lumiwanag.

Kasama ko ang magigiting na manlalakbay sa pangunguna ni Master Adriel (Pampanga Trail riders) at Leo ng Limay, Bataan.Β Tulad ng muling inaasahan ako ay nabighani sa napakagandang mga tanawin at napaka teknikal na daan. Mapapalaban ka ng husto sa padyakan at dahil dito ay maka ilang beses din akong sumemplang :).

Malaki rin ang tsansa na maligaw lalo na kung baguhan dahil sa mataas na talahib, makitid at sanga sangang daan. Tanaw na tanaw mo dito ang krus ng Mount Samat at may ilang bahagi na mas mataas pa ang aming kinatatayuan kaysa sa krus. Kailangan ding marami kang dalang tubig dahil tiyak na sobrang uhaw ang mararanasan. Pasalamat nga kami dahil hindi gaanong tirik ang araw ng kami ay maglakbay. Isa ito sa napakasarap puntahan at balik balikan.

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa ligtas at napakasayang padyakan.
Maraming Salamat Master Adriel sa imbitasyon at sa kasama naming si Master Leo.

Pindutin para sa mga Larawan
Larawang Kuha ni Master Adriel

Nasa mahigit 35km paikot buhat sa Total Gas Station. umabot lang ng 38km ang aming talaan dahil sa may binalikan.
Pindutin para sa mapa (GPS)
Pindutin para sa STRAVA GPS

BZMont Bagyong Padyakan


Alas Syete ng umaga ng magsimula kaming pumadyak mula sa Mabalacat /Clark patungong BZMont. Kasama ko dito si Master Michael habang si Master Derrick ay tumagpo na lang sa may Petron Basa.

Halos walang tigil ang ulan at basang basa kami habang binabagatas namin ang daan paakyat ng BZMont.Β Laking pasalamatΒ at ligtas pa rin kaming nakatawid sa ilog na umaapaw. Nakasalubong pa namin si Sir Bong na dala ang kanyang motor upang salubingin ang mga mamadyak na galing pang Maynila. Sinubukan rin naming puntahan angΒ Patal Falls subalit hindi namin nasilayan kahit napakalapit na dahil sa lakas ng agos ng tumubong talon sa gilid ng bangin kayat napilitang umatras para sa aming kaligtasan.

Napakasaya ng padyakang ito dahil nagdatingan ang ibat ibangΒ grupo ng mamadyak na karamihan ay galing pa sa Maynila katulad ng MBU at Tulakeros. May inabutan din kaming naunang grupo na galing sa Balanga, Bataan.

Katulad pa rin ng dati sobrang busog sa dami ng pagkain sa BZmont at lubos ang pasasalamatΒ kay Sir Bong at sa kasama niyang nag asikaso sa amin.

Habang papauwi ay wala pa ring habas ang lakas ng ulan at bahang baha na ang mga baranggay na nadaananΒ namin sa bayan ng Florida ang mga kotse at malilit na sasakyan ay halos di na makadaan sa taas ng baha.

Inabot na kami ng mahigit alas syete ng gabi bago nakauwi sa aming mga tirahan.

Pindutin para sa mga Larawan

Layo o distansya 122km Balikan
Pindutin para sa mapa ng GPS

Nakalulungkot lamang na balita dahil makalipas ang isang linggo ay pumanaw si Sir Bong dahilΒ sa isang aksidente….Eksakto pa Β naman sa kanyang kaarawan at kinabukasan ang selebrasyon na pupuntahan ng napakaraming Mountain bikers. Yun na pala ang huli naming pagkikita. Ang hinahangaan namin sa kabaitan, idolo sa padyakan at itunuring na kaibigan… Rest in Peace Sir Bong….

Pampanga to Baler


Noon pang isang taon balak puntahan itong Baler subalit hindi matuloy tuloy sa maraming kadahilanan πŸ™‚

Dalawang araw bago sumapit ang ika labindalawang araw ng Hunyo ay saka lamang napagpasyahang ituloy na ang padyakan mula Pampanga patungong Baler, Aurora.

Akala ko ay magsosolo na naman mabuti na lamang biglang sumulpot si Master Michael ng di inaasahan.

Kahit baguhan at unang sabak sa malayong padyakan ay tila halimaw sa daan πŸ™‚ partida pa dahil sa batalyang bakal ang bisekletang ginamit padyakan.

Inabot ng sobrang init, ulan, nabutasan ng gulong, dilim sa gitna ng kabundukan, hinabol ng mga aso πŸ˜› at sa tila walang katapusang ahon at lusong ang naranasan sa kabundukan.

Subalit lahat ng pagod at hirap ay nalunasan ng masilayan ang paraisong matagal ng ninais puntahan..

Mga talaan:

1. <> 20 oras na padyakan kasama na ang pahinga.

2. Dalampasigan ng Baler – Surfing at dito natulog sa tent/ buhangin

3. Ditumabo Mother Falls – Sobrang ganda at dami ng tao, halos 20 kilometro mula sa Baler

4. Balete Park /Millenium Tree- mahigit 600 na taon at pinakamalaki daw sa buong Asia? nasa mahigit 13km Mula sa Baler

5. Ermita Hill – Napakagandang tanawin at masisilayan mo ang halos buong dalampasigan ng Baler at dagat pasipiko

Dito rin umakyat noong December 27, 1735 ng gabi ang mga taong nakaligtas sa Tsunami (β€œTromba Marina”)

at maraming pang importanteng pangyayari tungkol dito sa Ermita Hill paki google nyo na lamang πŸ™‚

Pindutin para sa mga Larawan

Napakaganda ng Baler at marami pang lugar na maaring puntahan subalit sa oras ay kinulang kayat kailangang muling mabalikan.

Pauwi sumakay na ng Bus at sa San Fernando na lamang pumadyak.

Baler – Cabanatuan = 248 pesos? (nakalimutan eksatong pamasahe)

Cabanatuan – San Fernando – 108 pesos

San Fernando – Mabalacat – Padyak 26.4km

Maraming Salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Salamat muli sa mga sumusunod:

Master Louie – #pmtb #manilabikers #aurorabikers

Balid Native Restaurant – na nag alok ng libreng paliligo at charging ng mga gadgets at nag alok din na doon tumuloy ng libre.

Panatag Surf School – napakamurang tent (100 bawat araw) at may libreng inuming tubig at lugar kung saan kami natulog.

MBU – Rockenroll πŸ™‚ Nakasama sa ikalawang gabi sa tabing dagat.

Master Michael

TICL group – mga nagbigay ng tips at nagdasal

At sa lahat ng nakasalamuha at don kay bro na kumuha ng aming larawan nong hating gabi pagdating namin ng Baler πŸ™‚

Talaan ng Paglalakbay

Pampanga to Baler – 186km https://www.strava.com/activities/325153269

Mother Falls – 39.2km balikan https://www.strava.com/activities/325154391

Ermita Hill – 16,3km balikan https://www.strava.com/activities/325154692

Sm San Fernando – Mabalacat – 26.4kmΒ https://www.strava.com/activities/325154816

Bonanza Trail

 


Alas Tres ng madaling araw ng magsimula akong pumadyak buhat sa Mabalacat patungong Bagac, Bataan.
Masama ang panahon ng araw na ito dahil sa bagyo. Nasa may bandang Friendship Angeles ng bumuhos agad ang ulan mabuti na lamang malapit lang ako sa Jollibee kayat panandaliang nag almusal na rin. Bandang alas singko ay nasa tapat pa lang ako ng Basa Airbase 😦 basang basa na rin ako ng oras na ito dahil pabugso bugso ang hangin at ulan. Salamat don sa isang tindahan na binilhan ko ng Mantika subalit di na ako pinagbayad :).
Dahil kasi sa ulan at basang daan naubos ang langis ng aking kadena at maingay na :). Mga alas sais ng umaga ng bigla akong na flatan ng gulong 15km pa bago sumapit  Balanga. Mahigit alas otso na ng marating ko ang brgy. San antonio Bagac. Maraming salamat kay Master Adriel at sa grupo sa paghihintay at akoy humihingi ng paumanhin.

Ako ay namangha at nagulat πŸ™‚ sa natunghayang kagandahan ng Bonanza. Ayun kay Master Alfred ito ay maihahalintulad sa mga bundok at burol ng Batanes. Inabot kami ng malakas at pabugso bugsong ulan sa itaas ng bundok at halos matangay ng hangin. Kay gandang pagmasdan ang tila paghalik ng ulap sa kabundukan πŸ™‚ ang mga tanawing ngayon lamang nasilayan ay hindi maihahalintulad sa mga nakaraang lugar na napadyakan o napuntahan.
1. Pindutin para sa mga Larawang kuha ko
2. Larawang  kuha ni Master Alfred
3. Larawang kuha ni Master Adriel
Dinaanan din namin ang dalawang Talon sa Sitio Antipolo ang Baisin at Gugu Falls πŸ™‚

Malagkit din pala dito ang putek πŸ˜› kayat habang pumapadyak ay lumalaki ang gulong :).  Pauwi ay sumakay na ako ng Bus hanggang San Fernando kasabay ko sina Master Adriel at Alfred.  At nag bisekleta buhat San Fernando hanggang Mabalacat.

Nasa mahigit 140km buhat sa Mabalacat hanggang matapos ang padyakan. Pindutin para sa GPS Map .
Nasa 16km ang Bonanza Trail at 30km paikot buhat sa Brgy. San Antonio, Bagac, Bataan.

Maraming salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Maraming salamat  lalo na kay Master Adriel Paglinawan na pasimuno at nagimbita para sa padyakang ito πŸ™‚ Maraming Salamat din kina Master Alfred, Bob,Marwin,Edrie, Kiko at gayon din  kay Sir  Edwin Teopengco πŸ™‚ Salamat po.
Hanggang sa muling paglalakbay πŸ™‚

Davilan Trails


2008 pa ng huli akong makapag bisekleta sa bandang Laguna at Cavite πŸ™‚ Salamat kay Master Manoy sa pag imbita.Β Dinala nila ako sa paborito nilang palaruan ang “Davilan Trails” na nasasakop na ng Carmona Cavite. Nagsimula kami sa mismong bayan ng Carmona, dumaan patungong Nuvali at lumabas sa Cardiac Hill. Nagpahinga at uminom ng buko sa Bukuhan :). Dito na rin kami nagkita ni Master Marlon πŸ™‚ galing pa siya ng bandang Molino. Matapos magpahinga ay sama sama na kaming dumiretso patungo sa Davilan.Β Napakaganda rin ng daan dito at puro pababa na medyo teknikal. Meron din kubo na pwede kang magpahinga na kung saan matatanaw mo ang buong bayan ng Carmona at kalapit na bayan. OO nga pala sobrang matamis ang pinya sa Silang πŸ™‚ Kulang ang pamamasyal mo kung hindi mo ito matitikman. Pindutin para sa mga Larawan πŸ™‚ Layo o Distansya: Nasa Mahigit 30km paikot ng Carmona, medyo nahuli lang ang pagkatala ng GPS πŸ™‚ Paki pindot para sa GPS Map πŸ™‚