Mga Imbak na Marka: philippines

Padyakan sa Bikol

Maraming salamat sa mga nakasama kung Maphu Bikers πŸ™‚
Mula umaga hanggang gabing padyakan πŸ™‚

Mga Destinasyon.
Pandawan Mercedes
Mananap Falls, San Vicente
Nacali Falls, San Lorenzo Ruis
Bagasbas Beach, Daet
Camarines Norte.

Pindutin para sa mga Larawan

GPS
https://www.strava.com/activities/945558861 https://www.strava.com/activities/945558887

badi falls, Kapangan, benguet

Halos tatlong araw na padyakan.

  1. Unang Araw – Baguio to Brgy. Balakbak, Kapangan – Longog Cave – Amburayan River – Kabundukan sa Daan πŸ™‚
  2. Ikalawang Araw – Brgy. Balakbak to Brgy Sagubo – Kapangan Badi Falls – Liteng
  3. Ikatlong Araw – Pasyal sa Liteng – Liteng to Taba-ao – Uwian na.

Maraming Salamat sa Diyos sa ligats na paglalakbay. Sobrang ganda talaga sa Kapangan πŸ™‚ Maraming Salamat Master Weisser Coilan sa espesyal na imbitasyon. Maraming Salamat rin sa iyong buong pamilya sa mainit na pag tanggap.

Maraming Salamat sa lahat ng taong aming nakasalamuha. Sobrang bait talaga ng mga taga cordillera, Sobrang ganda at napaka linis ng lugar.

Syempre Maraming Salamat Masters Marlon Sazon Gabe Paras Goro Jose Shigeno Ang Sarap ngu Etag (Pork and beans) , Pinikpikan atbp na luto ni Ankol Sammy (Tiyo ni Master Weis) Maraming Salamat po!Β  at maraming salamat din din kay Master Emat na nag guide sa amin patungong Badi falls at Liteng na inabot na ng hatinggabi.

Unang beses din nakatikim ng Rice Wine. πŸ™‚ Sobrang ganda talaga lalo na sa Liteng πŸ™‚ Kapangan Badi Falls Kapangan Benguet.Β MAP MAP TENG!

Pindutin para sa mga larawan πŸ™‚

GPS
https://www.strava.com/activities/1415060342
https://www.strava.com/activities/1415060482
https://www.strava.com/activities/1415060203 https://www.strava.com/activities/1415060234

Cordillera Super Epic

Ito naman ang Bideyong hatid ni Master Marlon

Pindutin para sa GPS talaan ng Paglalakbay
Ruta -> Ambuklao-Bobok-Bisal – Dayap – Banao – CabayoΒ  – Purgatory Trail – Ambuklao

Pindutin para sa mga Larawan

Uri ng padyakan: Buwis Buhay πŸ™‚ Sobrang Hirap pero sobrang saya at sarap.

Umaga kami nagsimula. Inumaga na rin nakauwi.
Maraming Salamat sa Diyos sa ligtas na paglalakbay.

Doble ingat sa pababa kapag gabi, dahil minsan ay natutulog sa gitna ng daan ang ating mga kababayan.

Maraming Salamat Master Harry sa padyakang Ito. Maraming Salamat Master Marlon, Chief JP, Sir Aldo at Sir Mark.

Padyakan sa Pinatubo 4

Maraming Salamat sa lahat ng bumuo ng padyakang ito πŸ™‚
Capas mountain trail riders at Pampanga Trail Bikers πŸ™‚ Sa lahat ng sumama at nagbigay tulong para sa ating mga kaparid na Aeta. Mabuhay po kayo!

Mga Larawan –Β https://www.facebook.com/pg/kurumbot/photos/?tab=album&album_id=732295156895089

GPS Map –Β https://www.strava.com/activities/985975860

 

 

Padyakan sa Bikol

Maraming salamat sa mga nakasama kung Maphu Bikers πŸ™‚ Mula umaga hanggang gabing padyakan πŸ™‚ Mercedes,Β Bagasbas Beach, Nacali Falls, Mananap Falls, Daet, Camarines Norte.

Pindutin para sa Larawan

Talaan ng Paglalakbay:

https://www.strava.com/activities/945558861

https://www.strava.com/activities/945558887

Padyakan sa Clark Pampanga


Sulit na padyakan dahil apat na lugar sa paligid ng Clark ang aming nabisita sa loob ng isang araw.
1. Sitio Calapi
2. Haduan Falls
3. Hoy Land
4. Cama De Grass / Batson Trail

Si Master Jerome ang nag aya sa padyakang ito kasama ang mga bagong kapadyak na karamihan ay taga Mabalacat at Bamban. Pagsapit sa Clark ay meron pang sumama sa aming mga kabataan at ang isa ay naka bisikletang Fixie pa πŸ™‚

Una naming pinuntaahn ang Sitio Calapi. Sa Marcos Village kami dumaan sa gilid ng Clark at tumawid sa ilog ng Lahar at inakayat ang matarik na bundok paahon sa Sitio Calapi.
Napakaganda ng lugar at napaka babait na mga kapatid nating Aeta. Namigay din kami ng ilang pagkain sa mga batang naroon upang kahit papano ay makapagbigay ligaya at saya.
Napahanga ako sa kasama naming batang naka fixie dahil balewala ang lahar at ilog. pati na ang teknikal na pababa.

Matapos makapag pahinga ay tuwang tuwang pumadyak pababa πŸ™‚ dahil sa bandang ibaba ay merong maliit na sapa πŸ™‚ . Muling binaybay ang kahabaan ng ilog ng lahar patungong Haduan Falls. Β Iniwan na namin ang mga bisekleta sa isang bahay at hindi na namin dinala sa mismong talon. Masayang naligo ang ibang mga kasamahan namin, habang ako at ang ibang kasama ay nagkasayang manood na lamang. Marami ring mga turistang dumayo ng araw na iyon. Masayang makita muli ang mga kapatid nating Aeta sa Haduan na halos naging kaibigan na dahil sa madalas na pagbisita.

Matapos nito ay masayang bumalik na kaming lahat sa Clark at nag sipag uwian na.
Subalit si Master Harry ay medyo bitin pa kayat kami ay panandaliang Β kumain at nagpahinga. Pagkatapos ay muling pumadyak patungong Holy Land at ang pinakahuli ay ang Cama De Grass / Batson Trail. Dinaanan din namin ang TICL trail na ang labas ay sa mismong sa itaas na ng Little Baguio.

Layo o Distansya – 62.4km
GPS Mapa Β https://www.strava.com/activities/789530157

3rd Miyamit Falls Bike for a Cause

Maraming salamat sa pasimuno ng padyakang ito sa pangunguna ng
Pampangas Trail Bikers (Adriel,Chris,Alex,Doc lynete Atbp.) sa lahat ng grupo at mga mamadyak na sumuporta at sumama sa makabuluhang padyakan.

Maraming Salamat sa 272 mamadyak πŸ™‚Β dahil dito ay nabiyayaan ang nasaΒ 430 pamilya na mga kapatid nating Aeta.

 

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa napakagandang lugar ng Miyamit at sa ligtas na paglalakbay.

Bonanza Trail

 


Alas Tres ng madaling araw ng magsimula akong pumadyak buhat sa Mabalacat patungong Bagac, Bataan.
Masama ang panahon ng araw na ito dahil sa bagyo. Nasa may bandang Friendship Angeles ng bumuhos agad ang ulan mabuti na lamang malapit lang ako sa Jollibee kayat panandaliang nag almusal na rin. Bandang alas singko ay nasa tapat pa lang ako ng Basa Airbase 😦 basang basa na rin ako ng oras na ito dahil pabugso bugso ang hangin at ulan. Salamat don sa isang tindahan na binilhan ko ng Mantika subalit di na ako pinagbayad :).
Dahil kasi sa ulan at basang daan naubos ang langis ng aking kadena at maingay na :). Mga alas sais ng umaga ng bigla akong na flatan ng gulong 15km pa bago sumapit  Balanga. Mahigit alas otso na ng marating ko ang brgy. San antonio Bagac. Maraming salamat kay Master Adriel at sa grupo sa paghihintay at akoy humihingi ng paumanhin.

Ako ay namangha at nagulat πŸ™‚ sa natunghayang kagandahan ng Bonanza. Ayun kay Master Alfred ito ay maihahalintulad sa mga bundok at burol ng Batanes. Inabot kami ng malakas at pabugso bugsong ulan sa itaas ng bundok at halos matangay ng hangin. Kay gandang pagmasdan ang tila paghalik ng ulap sa kabundukan πŸ™‚ ang mga tanawing ngayon lamang nasilayan ay hindi maihahalintulad sa mga nakaraang lugar na napadyakan o napuntahan.
1. Pindutin para sa mga Larawang kuha ko
2. Larawang  kuha ni Master Alfred
3. Larawang kuha ni Master Adriel
Dinaanan din namin ang dalawang Talon sa Sitio Antipolo ang Baisin at Gugu Falls πŸ™‚

Malagkit din pala dito ang putek πŸ˜› kayat habang pumapadyak ay lumalaki ang gulong :).  Pauwi ay sumakay na ako ng Bus hanggang San Fernando kasabay ko sina Master Adriel at Alfred.  At nag bisekleta buhat San Fernando hanggang Mabalacat.

Nasa mahigit 140km buhat sa Mabalacat hanggang matapos ang padyakan. Pindutin para sa GPS Map .
Nasa 16km ang Bonanza Trail at 30km paikot buhat sa Brgy. San Antonio, Bagac, Bataan.

Maraming salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Maraming salamat  lalo na kay Master Adriel Paglinawan na pasimuno at nagimbita para sa padyakang ito πŸ™‚ Maraming Salamat din kina Master Alfred, Bob,Marwin,Edrie, Kiko at gayon din  kay Sir  Edwin Teopengco πŸ™‚ Salamat po.
Hanggang sa muling paglalakbay πŸ™‚

Davilan Trails


2008 pa ng huli akong makapag bisekleta sa bandang Laguna at Cavite πŸ™‚ Salamat kay Master Manoy sa pag imbita.Β Dinala nila ako sa paborito nilang palaruan ang “Davilan Trails” na nasasakop na ng Carmona Cavite. Nagsimula kami sa mismong bayan ng Carmona, dumaan patungong Nuvali at lumabas sa Cardiac Hill. Nagpahinga at uminom ng buko sa Bukuhan :). Dito na rin kami nagkita ni Master Marlon πŸ™‚ galing pa siya ng bandang Molino. Matapos magpahinga ay sama sama na kaming dumiretso patungo sa Davilan.Β Napakaganda rin ng daan dito at puro pababa na medyo teknikal. Meron din kubo na pwede kang magpahinga na kung saan matatanaw mo ang buong bayan ng Carmona at kalapit na bayan. OO nga pala sobrang matamis ang pinya sa Silang πŸ™‚ Kulang ang pamamasyal mo kung hindi mo ito matitikman. Pindutin para sa mga Larawan πŸ™‚ Layo o Distansya: Nasa Mahigit 30km paikot ng Carmona, medyo nahuli lang ang pagkatala ng GPS πŸ™‚ Paki pindot para sa GPS Map πŸ™‚

Mount Pinatubo


Maraming Salamat sa Poong maykapal sa napakagandang tanawin at ligtas na paglalakbay πŸ™‚ Ito na ang ikatlong paglalakbay sa nakamamanghang Bundok Pinatubo πŸ™‚ Kasama ko ang mga master sa padyakan Nelson, Tisoy at Adriel πŸ™‚
Balikang padyakan mula Mabalacat, Pampanga hanggang Pinatubo.

Nakakalungkot lamang na balita para sa mga Mountain Bikers,
sa kadahilanang merong ng bayad ang pagpunta sa Pinatubo. At Sobrang MAHAL!
Dahil mas mahal pa kapag naka bisekleta kesa sa presyo sa mga turistang namamasyal mapa lokal o dayuhan.

4×4 – 3500
Trailer – 700 dagdag bayad para sa mga naka bisekleta 😦
Guide – 500
[Para sa Limang Tao]
+ Conservation Fee – 450 – bawat isa

Mabuti na lamang at maaga kaming umalis. Alas Tres medya ( 3:30 am ) ng magsimula kaming pumadyak mula Mabalacat at nakarating kami sa bukana ng trail bago mag alas sais (6:00am) ng umaga. Nang nasa kalagitnaan na kami ay bigla kaming hinintuan ng isang taga tourism na nakasakay sa 4×4 at sinabing kelangan daw naming magpa rehistro muna at kelangan naming bumalik? Mabuti na lamang at napakiusapan pa rin namin at pinayagang ipagpatuloy ang paglalakabay sa pangakong kami ay dadaan sa Tourism pauwi.

Matapos kaming pumadyak ay dumaan kami sa Tourism. Mabuti na lamang at hindi kami siningil πŸ™‚ Pinagsabihan lamang kami na sa susunod ay kailangan na naming magpa rehistro kasama ang mga bayarin 😦 Kung medyo tinanghali pala ay siguradong hindi kami natuloy katulad ng ibang Mountain Bikers na nahuli ng dating.

Naway maibalik sa dati na libre lamang na pumasok ang mga naka bisekleta at kung kelangang magbayad sana ay medyo mura lang ang Conservation Fee at gawing optional na lamang ang 4×4 at Guide.

1. Pinndutin para sa mga Larawan
2. Larawang kuha ni Master Adriel πŸ™‚

Pindutin para sa GPS Map Sports tracklive (one way)
Pindutin para sa GPS Map Strava balikan

…….