Mga Imbak na Marka: clark

malunto hill /apung malunto


Madalas o minsan kung saan pa yung malapit na lugar, yun pa ang di mo nagagalugad. Tulad nitong burol na makailang beses ko ng nadaanan ang gilid at paanan. Kung saan dito pala ay may isang napakalaking Bato na sa ibabaw ay patag.

Dito ay matatanaw at masisilayan mo ang nakapagandang tanawin. Tulad ng Clark, Tulay ng Sacobia (bago at luma), Ilog ng Sacobia, Bundok Arayat, Solar power plant, mga bulubundukin ng Pampanga at Tarlac.
Maririnig mo rin ang huni ng mga Ibon, kuliglig, tilaok ng manok at iba pa. Sarap mag relaks :).

Apung Malunto ang tawag nila (lokal) sa burol. Noong unang panahon ay may umaakyat dito upang mag alay ng panalangin tuwing mahal na araw.
Malunto Hill raw ang tamang pangalan ng burol ayun sa mga kaibigang bikers. ๐Ÿ™‚

May mga puno rin ng Alibangbang na pwede palang gawing pang asim o pang sigang sa mga lutuing bahay at masarap din daw sa papaitan.

Naway ating maalagaan para lalong gumanda ang ating pasyalan. “

Para sa mga Larawan
1. Solo exploride
2. Kasama ang Clark MTB at TICL

Pindutin para sa talaan ng paglalakbay (GPS)
Yung palikong bahagi sa mapa pagkalagpas ng tulay ng Sacobia ang lokasyon ng The Rock!

General mountain

Pinudutin para sa nga larawan

Sa likod lamang po ulit ng Clark ๐Ÿ™‚

Ayun sa mga kwento at sa mga kapatid nating Aeta, dito raw nagkuta at gumawa ng mga butas (tunnel) ang mga sundalong Hapon
noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).

Mahigit limang taon na ang nakalilipas ng una kung marinig ang General Mountain sa tatay naman ni Master Jerome,
Matagal ng planong puntahan. subalit hindi matuloy tuloy.

Mabuti na lamang at nakilala namin si Tatay Amado at justin, noong unang mag explore sa bandang Haduan,
kung saan una rin naming nasilayan ang bundok Dinamulag. Sa intro Bideyo ng Mount Dinamulag https://youtu.be/Jg26rRoajaM
si Tatay Kosme ay mismong si Tatay Amado. Minsan kasi gamit nila ay apelyido at hindi ang pangalan,
katulad ni Tatay Sibal (apelyido rin). Si Tatay Amado rin ang nagturo sa akin/amin ng mga pangalan ng bundok na natatanaw buhat sa itaas ng Haduaan.

Matapos ang halos dalawang buwang pagpa plano ay natuloy rin ๐Ÿ™‚

Isa sa magandang ma develop bilang tourist spot itong General Mountain.
Para sa mga Hikers, Mountain Biker o sa gusto lamang pumasyal.

  1. Ganda ng View sa itaas – tanaw mo ang mga katabing bundok at buong Clark.
    2, Japanese Tunnel – Isa lang ang nakita namin dahil yung iba ay sobra pang masukal.
  2. Fish spa -Habang nagpapahinga may nadaanan kaming malinis na Sapa sinubukan kung ibaba ang paa tubig , biglang naglapitan ang mga maliliit na isda. Kung hindi ako nagkakamali ito yung mga Garra Rufa na ginagamit sa fish spa. May mga malalaki ring palakang butete ๐Ÿ™‚
  3. Pagluluto sa Kawayan / Bamboo Cooking – Kung saan pinakita sa amin ang pagluluto ng kanin at pang ulam (manok at baboy) gamit ang kawayan. At ilalatag sa dahon ng Saging ang pagkain na naka kamay o kaya gamit ang kutsara at straw na gawa sa kawayan (gawa ni butch).
  4. Buko at Napakatamis na Kaymito – Libre lamang sa bundok ๐Ÿ™‚
  5. Puso ng Saging – Pinakita naman ni Justin kung paano kumuha ng Puso ng Saging. Karamihan ang alam natin na puso ay yung pula sa dulo ng bunga. Yun pala ay bago pa lamang lumabas ang bunga ng saging. Ang uri ng saging na ito ay yung maraming buto.. Naoakarami nito sa daan patungo at pabalik ng General Mountain.
  6. Trails – napakaganda at teknikal ๐Ÿ™‚ Magandang mag ensayo at mamasyal ๐Ÿ™‚
  7. Sapa/Tubig – Madadaanan mo rin pala ang mga sapa kung saan nagmumula ang tubig sa Haduan Falls

Nasa Mahigit kumulang 12.5km lang buhat sa Clark. Inabot kami ng mahigiit kumulang tatlong oras bago marating ang tuktok ng General Mountain.

Maraming Maraming Salamat kay Tatay Amado at Justin ๐Ÿ™‚
Sa mga nagnanais na pumunta o pumasyal maari nyo pong puntahan sa Haduan
Si tatay Amado, ipagtanong nyo po lamang at kayo ay tiyak na kanyang sasamahan.

Maraming Salamat sa Diyos at ligtas naman kaming lahat.
Kasama ko pala ang grupo ng Clark Mountain Bikers at ilang kaibigan mula sa Bulacan. ๐Ÿ™‚

SMB2M2 Trails

 

Isa sa magandang ruta kapag ikaw ay nasa Clark Pampanga o kalapit lugar. SMB2M2 – San Martin – Batson – Balatok – Mainang – Malasa.

Nagsimula kaming pumadyak bandang 5:30 ng umaga sa Mabalacat, Pampanga at pumasok ng Clark .Nasa mahigit 50km paikot kayat sulit na sulit na pasyalan. Magkahalong trails at road ang ruta. Ahon lusong, tawid sapa, ilog, at me kasama pang tulakan.

Ito ang detalyeng ruta: Mabalacat – Clark – Dino Trail- Bee Trail – Macapagal Downhill – Sacobia – San Marting – Batson -Balatok-Mainang – Malasa – Mauricia- Gurol gurol – Mainang – Mabalacat.

Pindutin para sa mga larawan

Pindutin para sa GPS

 

Padyakan sa Clark Pampanga


Sulit na padyakan dahil apat na lugar sa paligid ng Clark ang aming nabisita sa loob ng isang araw.
1. Sitio Calapi
2. Haduan Falls
3. Hoy Land
4. Cama De Grass / Batson Trail

Si Master Jerome ang nag aya sa padyakang ito kasama ang mga bagong kapadyak na karamihan ay taga Mabalacat at Bamban. Pagsapit sa Clark ay meron pang sumama sa aming mga kabataan at ang isa ay naka bisikletang Fixie pa ๐Ÿ™‚

Una naming pinuntaahn ang Sitio Calapi. Sa Marcos Village kami dumaan sa gilid ng Clark at tumawid sa ilog ng Lahar at inakayat ang matarik na bundok paahon sa Sitio Calapi.
Napakaganda ng lugar at napaka babait na mga kapatid nating Aeta. Namigay din kami ng ilang pagkain sa mga batang naroon upang kahit papano ay makapagbigay ligaya at saya.
Napahanga ako sa kasama naming batang naka fixie dahil balewala ang lahar at ilog. pati na ang teknikal na pababa.

Matapos makapag pahinga ay tuwang tuwang pumadyak pababa ๐Ÿ™‚ dahil sa bandang ibaba ay merong maliit na sapa ๐Ÿ™‚ . Muling binaybay ang kahabaan ng ilog ng lahar patungong Haduan Falls. ย Iniwan na namin ang mga bisekleta sa isang bahay at hindi na namin dinala sa mismong talon. Masayang naligo ang ibang mga kasamahan namin, habang ako at ang ibang kasama ay nagkasayang manood na lamang. Marami ring mga turistang dumayo ng araw na iyon. Masayang makita muli ang mga kapatid nating Aeta sa Haduan na halos naging kaibigan na dahil sa madalas na pagbisita.

Matapos nito ay masayang bumalik na kaming lahat sa Clark at nag sipag uwian na.
Subalit si Master Harry ay medyo bitin pa kayat kami ay panandaliang ย kumain at nagpahinga. Pagkatapos ay muling pumadyak patungong Holy Land at ang pinakahuli ay ang Cama De Grass / Batson Trail. Dinaanan din namin ang TICL trail na ang labas ay sa mismong sa itaas na ng Little Baguio.

Layo o Distansya – 62.4km
GPS Mapa ย https://www.strava.com/activities/789530157

Bonanza sa Tag-Araw


Sobrang nakabibighani talaga ang kagandahan ng Bonanza ๐Ÿ™‚ ๐Ÿ™‚ Sa ikalawang pagkakataon ay muling nasilayan at napadyakan ang paboritong kabundukan ng Bataan. Mas madali na rin ngayong matunton at di ka na maliligaw dahil sa ginawang bagong daan. Hindi kahalintulad noong isang taon, ngayon ay tuyo ang mga damo, lupa at kapaligiran, subalit napakaganda pa ring pagmasdan ang kakaibang anyo, kulay at hugis ng mga burol na madadaanan.

Tanggal agad ang pagod dahil sa pagdampi ng napakalamig at malakas na hangin na nagmumula sa karagatan na nasa ibaba lamang na bahagi ng Bagac, Bataan.

Pagkatapos ng Bonanza ay pumadyak pa kami sa Duhat (Orion, Bataan) upang pagmasdan ang paglubog ng araw ๐Ÿ™‚

Matapos ang padyakan wag kalimutang bumili at uminom ng napakalamig na buko at kumain ng pakwan na itinitinda sa tabing kalsada pabalik sa pinaggalingan.

Maraming Salamat po sa napakabait na mga taga Bagac ๐Ÿ™‚ lalo na sa Brgy San Antonio. ๐Ÿ™‚ Kung saan kami nagpasimula at nag himpil ng mga sasakyan.

Pindutin para sa mga Larawan

GPS Map
Bonanza Track (30km Loop)
https://www.strava.com/activities/501892265

Duhat
https://www.strava.com/activities/501892107

Kasama ko nga pala dito sina Master Marlon at Master Don ๐Ÿ™‚ Ang grupo naming TICL / Clark Mountain Bikers.

3rd Miyamit Falls Bike for a Cause

Maraming salamat sa pasimuno ng padyakang ito sa pangunguna ng
Pampangas Trail Bikers (Adriel,Chris,Alex,Doc lynete Atbp.) sa lahat ng grupo at mga mamadyak na sumuporta at sumama sa makabuluhang padyakan.

Maraming Salamat sa 272 mamadyak ๐Ÿ™‚ย dahil dito ay nabiyayaan ang nasaย 430 pamilya na mga kapatid nating Aeta.

 

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa napakagandang lugar ng Miyamit at sa ligtas na paglalakbay.

Puning Hot Spring

Malapit lamang ito sa Clark kung tutuusin subalit iilan lamang ang mapalad na nakararating. Madalas kasi ay pinagbabawal ang pagpadyak patungo rito at ang iba naman ay nagdadalawang isip dahil dadaan ka sa mismong ilog ng lahar. Kasama ko ang aking kaibigan at magiting na mamadyak ang dalubhasang si Master Nelson ๐Ÿ™‚
Uri ng padyakan : Katamtaman hanggang sa Mahirap at delikado din kapag malakas ang buhos ng ulan at merong daan na makipot kung saan dumadaan ang mga 4ร—4 na sasakyan.
Layo o Distansya : 21.40 Kilometro buhat sa Mabalacat patungo ng Puning Hot Spring.

Pindutin para sa GPS Talaan ng Paglalakbay.

Gabing Padyakan sa Clark


Isa sa napakagandang padyakan ang Clark Pampanga. Bukod sa ligtas ay halos iilan lamang ang mga sasakyang dumaraan kapag gabi. Halos isa o dalawang beses naming ginagawa ang pumadyak sa loob ng Clark, paminsan minsan ay naabutan ng ulan :)

Uri ng padyakan : Madali lamang hanggang sa katamtaman.
Layo o Distansya : Mahigit 20km Kilometro paikot at mas hihigit pa kapag lalabas patungong Sacobia Bridge.

Ito ang ilan lamang sa larawan ng mga Gabing Padyakan sa Clark, Pampanga

1. Halloween Padyak

2. Clark – Bamban

3. Padyak Lomi

4. Unang gabing padyakan 2015

5. Setyempre 2015