Bonanza Trail

 


Alas Tres ng madaling araw ng magsimula akong pumadyak buhat sa Mabalacat patungong Bagac, Bataan.
Masama ang panahon ng araw na ito dahil sa bagyo. Nasa may bandang Friendship Angeles ng bumuhos agad ang ulan mabuti na lamang malapit lang ako sa Jollibee kayat panandaliang nag almusal na rin. Bandang alas singko ay nasa tapat pa lang ako ng Basa Airbase 😦 basang basa na rin ako ng oras na ito dahil pabugso bugso ang hangin at ulan. Salamat don sa isang tindahan na binilhan ko ng Mantika subalit di na ako pinagbayad :).
Dahil kasi sa ulan at basang daan naubos ang langis ng aking kadena at maingay na :). Mga alas sais ng umaga ng bigla akong na flatan ng gulong 15km pa bago sumapit  Balanga. Mahigit alas otso na ng marating ko ang brgy. San antonio Bagac. Maraming salamat kay Master Adriel at sa grupo sa paghihintay at akoy humihingi ng paumanhin.

Ako ay namangha at nagulat 🙂 sa natunghayang kagandahan ng Bonanza. Ayun kay Master Alfred ito ay maihahalintulad sa mga bundok at burol ng Batanes. Inabot kami ng malakas at pabugso bugsong ulan sa itaas ng bundok at halos matangay ng hangin. Kay gandang pagmasdan ang tila paghalik ng ulap sa kabundukan 🙂 ang mga tanawing ngayon lamang nasilayan ay hindi maihahalintulad sa mga nakaraang lugar na napadyakan o napuntahan.
1. Pindutin para sa mga Larawang kuha ko
2. Larawang  kuha ni Master Alfred
3. Larawang kuha ni Master Adriel
Dinaanan din namin ang dalawang Talon sa Sitio Antipolo ang Baisin at Gugu Falls 🙂

Malagkit din pala dito ang putek 😛 kayat habang pumapadyak ay lumalaki ang gulong :).  Pauwi ay sumakay na ako ng Bus hanggang San Fernando kasabay ko sina Master Adriel at Alfred.  At nag bisekleta buhat San Fernando hanggang Mabalacat.

Nasa mahigit 140km buhat sa Mabalacat hanggang matapos ang padyakan. Pindutin para sa GPS Map .
Nasa 16km ang Bonanza Trail at 30km paikot buhat sa Brgy. San Antonio, Bagac, Bataan.

Maraming salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Maraming salamat  lalo na kay Master Adriel Paglinawan na pasimuno at nagimbita para sa padyakang ito 🙂 Maraming Salamat din kina Master Alfred, Bob,Marwin,Edrie, Kiko at gayon din  kay Sir  Edwin Teopengco 🙂 Salamat po.
Hanggang sa muling paglalakbay 🙂

Mount Arayat 360


Alas singko ng umaga ng magsimula akong pumadyak patungo sa bayan ng Arayat. Sa Brgy. Camachiles ako dumaan kayat naalala ko si Master Dennis na madalas dito kami idaan. Dumiretso ng pandacaqui at eksaktong 6:10 ng dumating ako sa Arayat bike express na tagpuan.

Pagdating ko ay marami na ang naghihintay at Kung hindi ako nagkakamali nasa mahigit kumulang 37? ang bilang ng mga sumama 🙂 Bandang 7:00 ng magsimula ng ang padyakan. Napakasaya ng padyakang ito dahil halos nagsama sama ang ibat ibang mountainbikers ng Pampanga.

Napakaganda ng mga nadaanan naming lugar lalo na ang mga sakahan at kabukiran 🙂 at nakakamanghang pagmasdan ang pagbabago ng hugis ng bundok arayat habang aming iniikutan.

Ang paborito kung dinaanan bukod sa kabukiran ay ang daan na puro putikan 🙂 Tila bumalik ang pagkabata habang pumapadyak at nagtatampisaw 🙂 kahit na maka ilang beses din na sumemplang 🙂 Sinilip din namin ang Monasterio de Arayat kung saan nagpahinga at yung iba ay naglinis ng bisekleta. Pinakahuli ay sa Cong Dadong Dam
naabutan pa namin ang ilang naghuhuli ng mga isda. Matapos nito dumiretso na kami sa Brgy. San Juan Bano kung saan kaming lahat ay nagtanghalian. Mabuti na lamang at ambon lang ang naranasan at hindi naabutan ng matinding buhos ng ulan 🙂

Nasa 50km ang paikot ng bundok arayat.
Nasa 106km balikan mula Mabalacat – Pindutin para sa GPS Map

Pindutin para sa mga Larawan 🙂

Maraming Salamat sa buong Arayat Mtn.Bikers – AMBI Junior edition sa pamumuno nina master Mike at Dong.
Maraming Salamat din sa Pampanga Trail Bikers 🙂 sa pangungunga ni Master Chris at Adriel.
Maraming Salamat sa inyong lahat mga bagong kakilala at kaibigan.
Salamat din kay Master Artist Idol Alfred Galura 🙂 na sinabayan ako pauwi 🙂

Ito naman yung 1 on 1 na padyakan namin ni Master Marlon (July, 2016)
https://www.facebook.com/kurumbot/photos/?tab=album&album_id=547561302035143