Mga Imbak na Marka: exploride

General mountain

Pinudutin para sa nga larawan

Sa likod lamang po ulit ng Clark 🙂

Ayun sa mga kwento at sa mga kapatid nating Aeta, dito raw nagkuta at gumawa ng mga butas (tunnel) ang mga sundalong Hapon
noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).

Mahigit limang taon na ang nakalilipas ng una kung marinig ang General Mountain sa tatay naman ni Master Jerome,
Matagal ng planong puntahan. subalit hindi matuloy tuloy.

Mabuti na lamang at nakilala namin si Tatay Amado at justin, noong unang mag explore sa bandang Haduan,
kung saan una rin naming nasilayan ang bundok Dinamulag. Sa intro Bideyo ng Mount Dinamulag https://youtu.be/Jg26rRoajaM
si Tatay Kosme ay mismong si Tatay Amado. Minsan kasi gamit nila ay apelyido at hindi ang pangalan,
katulad ni Tatay Sibal (apelyido rin). Si Tatay Amado rin ang nagturo sa akin/amin ng mga pangalan ng bundok na natatanaw buhat sa itaas ng Haduaan.

Matapos ang halos dalawang buwang pagpa plano ay natuloy rin 🙂

Isa sa magandang ma develop bilang tourist spot itong General Mountain.
Para sa mga Hikers, Mountain Biker o sa gusto lamang pumasyal.

  1. Ganda ng View sa itaas – tanaw mo ang mga katabing bundok at buong Clark.
    2, Japanese Tunnel – Isa lang ang nakita namin dahil yung iba ay sobra pang masukal.
  2. Fish spa -Habang nagpapahinga may nadaanan kaming malinis na Sapa sinubukan kung ibaba ang paa tubig , biglang naglapitan ang mga maliliit na isda. Kung hindi ako nagkakamali ito yung mga Garra Rufa na ginagamit sa fish spa. May mga malalaki ring palakang butete 🙂
  3. Pagluluto sa Kawayan / Bamboo Cooking – Kung saan pinakita sa amin ang pagluluto ng kanin at pang ulam (manok at baboy) gamit ang kawayan. At ilalatag sa dahon ng Saging ang pagkain na naka kamay o kaya gamit ang kutsara at straw na gawa sa kawayan (gawa ni butch).
  4. Buko at Napakatamis na Kaymito – Libre lamang sa bundok 🙂
  5. Puso ng Saging – Pinakita naman ni Justin kung paano kumuha ng Puso ng Saging. Karamihan ang alam natin na puso ay yung pula sa dulo ng bunga. Yun pala ay bago pa lamang lumabas ang bunga ng saging. Ang uri ng saging na ito ay yung maraming buto.. Naoakarami nito sa daan patungo at pabalik ng General Mountain.
  6. Trails – napakaganda at teknikal 🙂 Magandang mag ensayo at mamasyal 🙂
  7. Sapa/Tubig – Madadaanan mo rin pala ang mga sapa kung saan nagmumula ang tubig sa Haduan Falls

Nasa Mahigit kumulang 12.5km lang buhat sa Clark. Inabot kami ng mahigiit kumulang tatlong oras bago marating ang tuktok ng General Mountain.

Maraming Maraming Salamat kay Tatay Amado at Justin 🙂
Sa mga nagnanais na pumunta o pumasyal maari nyo pong puntahan sa Haduan
Si tatay Amado, ipagtanong nyo po lamang at kayo ay tiyak na kanyang sasamahan.

Maraming Salamat sa Diyos at ligtas naman kaming lahat.
Kasama ko pala ang grupo ng Clark Mountain Bikers at ilang kaibigan mula sa Bulacan. 🙂