Mainang / Malasa

Sakop pa din ito ng Bamban Tarlac. Kalahating araw na padyakan subalit sulit naman, mas masarap padyakan pag maputek ang daan 😛 Kasama ko dito ang magiting na mamadyak na kinabibilangan ni Master Marlon, Chester,Nelson at Ricky. Si Master Dennis ang gumabay sa amin nong unang padyakan.
Uri ng padyakan : Katamtaman na medyo Mahirap. Mag ingat sa masukal na daan at ahas 🙂
Layo o Distansya : Mahigit 34 Kilometrong paglalakbay “balikan” buhat sa Xevera, Mabalacat

Little Baguio / HolyLand – Bagyong Santi

Matapos ang Bagyong Santi agad naming binisita ang paboritong pasyalan sa paligid ng Clark. Ito ang Little baguio at Holy Land. Kasama ko ang magiting na manlalakbay na si Master Rick.
 
Nagulat kami sa nakita dahil maraming puno ang natumba at nakahambalang sa daanan sa bahagi ng Little Baguio at hindi madaanan ng tao o sasakyan. Nakapagtatakang pagdating namin sa ibang lugar ay halos hindi naman nagalaw ang mga puno.
 
Layo o Distansya: nasa 42km Balikan mula Mabalacat patunong Holyland via Little Baguio.

Mount Pinatubo 2013




Ito ang kauna-unahan naming paglalakbay patungo sa bundok pinatubo.:). Buhat sa Mabalacat Pampanga Inabot kami ng (11) labing isang oras bago narating ang tuktok ng pinatubo. Isang Epikong paglalakbay.

Muntik pang hindi namin masilayan ang mismong tuktok ng Pinatubo pagkat kami ay binalaaan na wala ng tao sa lugar dahil halos mahigit ng alas dos ng hapon, at unti unti ng bumubuhos ang ulan. Kahit kinakabahan ay nagpatuloy pa rin dahil nandon na rin lamang 🙂 Laking pasasalamat sa Poong Maykapal ng marating ang ibabaw ng Bundok Pinatubo. Ang lahat ng pagod, hirap at kaba ay nawalang parang bula 😀

Ulan, init at ginabi na sa gitna ng lahar kayat isa itong padyakan na hindi makakalimutan kailanman. Halos inabot kami ng hatinggabi bago nakarating sa aming mga tirahan. Kasama ko ang magigiting na mamadyak na kinabibilangan nina dalubhasang Master Nelson, Weisser,Dennis at Ricky. Wala kaming guide at sinundan lamang namin ang bakas at ruta ng mga sasakyan patungo sa pinatubo.

Pindutin para sa mga Larawan 🙂
Uri ng padyakan : Sobrang Mahirap lalo pa at tirik ang araw at delikado naman kapag maulan.

Layo o Distansya : Mahigit kumulang 120 Kilometro buhat sa Mabalacat patungo ng Pinatubo balikan.
Pindutin para sa GPS Map

Monasterio De Tarlac

Pahinga muna kami sa trail kayat naisipang padyakan ang Monasterio De Tarlac.  Isa ito sa magandang puntahan lalo na sa mga baguhan.  Kasama ko dito ang madalas kung mga kasamang pumadyak na  TICL /TexinTeam.

Pindutin para sa mga Larawan

Mga larawang kuha ni Master Nelson at Master Harry  :)

Uri ng padyakan : Medyo mahirap kapag tirik ang araw.

Layo o Distansya : Mahigit 100 kilometrong padyakan balikan mula Xevera, Mabalacat hanggang Monasterio De Tarlac, sakop na bayan ng San Jose, Tarlac.

Pindutin para sa GPS map

……………..

Holy Land / Apung Duman

Naudlot ang planong pagpadyak sa Bataan kayat napilitan kaming maghanap ng malapit na lugar.  Kayat napagkasunduan na muling padyakan ang Apung Duman at lagpasan ang ilog at pagkatapos ay muling binalikan ang Holy Land habang pumapatak ang ulan :) Ito ang unang naranasang magkaroon ng makapal na ulap sa itaas ng Holy Land 🙂 . Nasasakop pa rin ito ng Bamban Tarlac subalit nasa likod lamang ito ng Clark Pampanga.

Pindutin para sa mga Larawan

Uri ng padyakan : Kainaman

Layo o Distansya : Mahigit kumulang 38 kilometrong padyakan balikan mula Xevera, Mabalacat.

Pindutin para sa GPS Map

MANANAP FALLS 2013

Ito ang una kung pagbibisekleta sa Mananap Falls. Mas mahirap pa ang daan ng panahong ito at medyo masukal pa ang daan at wala halos makapitan kapag pababa. Kayat napalaban sa pagbubuhat 🙂 Napawi naman lahat ng pagod at hinagpis hehehe ng masilayan ang napakagandang Talon ng Mananap.
Ang Mahiwaga at nakabibighaning Talon ng Mananap ay binubuo ng pitong (7) talon (falls)
Ito ay matatagpuan sa Brgy. Fabrica bayan ng San Vicente Camarines Norte.
Isa ito sa mga sikat na talon na iginuhit ni Fernando Amorsolo noong siya ay tumira o namalagi sa bayan ng San Vicente.
Uri ng padyakan : Katamtaman o kainaman na may kasamang buhat.
Layo o Distansya : Mahigit 10 kilometro buhat sa bayan ng San Vicente.