Bundok Dinamulag

GPS – https://www.strava.com/activities/3000128563

Pindutin para sa mga larawan

Bagong ruta na napakaganda. Mahigit 20 kilometrong padyakan buhat sa loob at pabalik ng Clark, Pampanga. Kompleto rekado ika nga. May matatarik na ahon at pababang teknikal na daan at sa lahar naman ang katapusan. Pwede mo ring lagareen ang ruta para sa medyo mahabang pababa (downhill). Tatlong beses naming sinubukan bago nabuo ang ruta ,at sa ikaapat ay may nadiskubreng bagong daan na tinawag naman namiing skyway. Dahil sa itaas makikita mo ang napakagandang tanawin, dalawang tulay ng Sacobia, Clark , Bundok Arayat at bulubundukin ng Pampanga at Tarlac. Syempre hindi mawawala ang napakasarap na BUKO. 🙂 #kurumbot #clarkmountainbikers #aetamountainbiker #madam