Padyakan sa Clark Pampanga


Sulit na padyakan dahil apat na lugar sa paligid ng Clark ang aming nabisita sa loob ng isang araw.
1. Sitio Calapi
2. Haduan Falls
3. Hoy Land
4. Cama De Grass / Batson Trail

Si Master Jerome ang nag aya sa padyakang ito kasama ang mga bagong kapadyak na karamihan ay taga Mabalacat at Bamban. Pagsapit sa Clark ay meron pang sumama sa aming mga kabataan at ang isa ay naka bisikletang Fixie pa 🙂

Una naming pinuntaahn ang Sitio Calapi. Sa Marcos Village kami dumaan sa gilid ng Clark at tumawid sa ilog ng Lahar at inakayat ang matarik na bundok paahon sa Sitio Calapi.
Napakaganda ng lugar at napaka babait na mga kapatid nating Aeta. Namigay din kami ng ilang pagkain sa mga batang naroon upang kahit papano ay makapagbigay ligaya at saya.
Napahanga ako sa kasama naming batang naka fixie dahil balewala ang lahar at ilog. pati na ang teknikal na pababa.

Matapos makapag pahinga ay tuwang tuwang pumadyak pababa 🙂 dahil sa bandang ibaba ay merong maliit na sapa 🙂 . Muling binaybay ang kahabaan ng ilog ng lahar patungong Haduan Falls.  Iniwan na namin ang mga bisekleta sa isang bahay at hindi na namin dinala sa mismong talon. Masayang naligo ang ibang mga kasamahan namin, habang ako at ang ibang kasama ay nagkasayang manood na lamang. Marami ring mga turistang dumayo ng araw na iyon. Masayang makita muli ang mga kapatid nating Aeta sa Haduan na halos naging kaibigan na dahil sa madalas na pagbisita.

Matapos nito ay masayang bumalik na kaming lahat sa Clark at nag sipag uwian na.
Subalit si Master Harry ay medyo bitin pa kayat kami ay panandaliang  kumain at nagpahinga. Pagkatapos ay muling pumadyak patungong Holy Land at ang pinakahuli ay ang Cama De Grass / Batson Trail. Dinaanan din namin ang TICL trail na ang labas ay sa mismong sa itaas na ng Little Baguio.

Layo o Distansya – 62.4km
GPS Mapa  https://www.strava.com/activities/789530157