TICL Sa BZMONT

Taon-taon kung kami ay pumadyak at bumisita sa BZmont. Masayang isipin na maraming nakasamang myembro ng TICL sa balikang padyakang ito. Nasa labing pito kaming lahat na pumadyak buhat pa sa Mabalacat, Pampanga patungong BZMont Bikers Haven, na sakop ng Zambales.  Nakakabilib ang mga baguhang kasama dahil hindi nagpatinag sa layo, init ng araw at ambon. Hindi talagang nakakasawang puntahan ang Talon ng Patal at ang kabundukang nakapaligid dito. Nakakagutom ang napakasarap na pagkaing inihain sa amin at ang lalong nagpasarap ang espesyal na Adobong Karne ng Baboy Ramo 🙂

Matapos nito ay umakyat at namitas pa sa puno ng Santol, Mangga, Aratiles at Kurumbot. Hilaw pa ang Avocado kayat hindi na natikman pa. Napakasaya ng padyakang ito kahit na inabot na ng mahigit alas otso ng gabi bago nakarating sa aming mga tahanan.

Maraming Salamat sa poong maykapal sa ligtas at masayang padyakang ito.
Inabot ng 122km balikan . Ito ang ika apat na beses kung paglalakbay sa BZmont.

Pindutin Para sa Mga Larawan

Pindutin para sa GPS ng paglalakbay 🙂