Nacali Falls



Ang Talon ng Nacali (Nacali Falls) ay nasasakop ng bayan ng San Lorenzo Ruiz. (Imelda ang dating tawag sa bayan). Ito rin ngayon ang bagong atraksyon ng mga turista sa CamNorte 🙂

Bago mo marating ang Talon ay kinakailangan mong sumakay ng Zip-line para makatawid sa kabilang bundok. Maari pa rin namang hindi gumamit ng zip-line subalit tatahakin mo ang bundok at tiyak na matatagalan.

Kasama ko pala dito si Master Joel ng Maphu Bikers 🙂
Akala namin ay madali lamang dahil maaga pa lamang (8:30am) ay nakatawid na kami ng zip-line.

Unang beses pa lang rin nilang ginamit ang zip-line sa pagsakay ng bisekleta. Dati kasi ay gumagamit sila ng Tram-line subalit ito ay kasalukuyang hindi gumagana.

Binigyan kami ng payo tungkol sa mga daan, Subalit pagdating na sa gitna ng kabundukan ay napakaraming sanga sangang daan at nakakalito kayat napabalik pa at naligaw ng di inaasahan Maswerteng may nakasalubong kami at napagtanungang magsasaka kayat muling natunton ang tamang daan.

Pagbaba sa bandang ilog ay wala pa rin kaming talon na natagpuan.:(
Kayat sinubukan naming akyatin ang bundok dahil may nakita kaming daan. Naikot na namin at narating ang isa pang ilog sa kabila subalit walang talon na nakita. Sa itaas ay ilang beses din na nakapitan kami ng limatik, dahil na rin sa pabugso bugsong ulan kung saan sila naglalabasan.

Tila nawawalan na ng pag asa pang makita ang talon. Eksaktong alas dose na ng tanghali ay nasa tuktok pa kami ng bundok na unti unti pang dumidilim dahil sa sama ng panahon.

Napag pasyahang muling bumalik muli sa unang ilog sa ibaba. Dahan dahan ang pagbaba dahil sa bukod sa matarik ay madulas pa ang daan dahil sa ulan. Habang pababa sa bandang kanan ay may narinig kaming lagaslas ng tubig. Laking tuwa ng silipin dahil sa wakas! tila ito na ang talon naming hinahanap.Subalit hindi pa lubos na masilayan dahil sa matarik na bangin at maraming punong nakaharang.

Nang makababa ng ilog ay binaybay namin pababa sa bandang pakaliwa at doon lubos na kasiyahan ang nadama ng masilayan ang nakatago at nakaka bighaning Talon. Sobrang linis at linaw ng tubig 🙂 Napakalapit lamang pala kung tutuusin 🙂 Nakatago lang pala sa gilid na bahagi ng bundok. 🙂

Sa bandang ibaba ay merong mini pool at falls at sa bandang itaas ang mismong napakaganda at mataas na Talon.

Matapos kumuha ng tubig, larawan, at bideyo ay nagmamadali rin kaming bumalik Medyo mabilis din nakabalik dahil sa pababang daan.Alas Tres y medya na ng makauwi sa aming mga tinutuluyan. Tamang tama 5:30pm ang alis ng DLTB Bus pauwi ng Maynila kayat nakapag pahinga pa ng kunti bago bumiyahe pabalik.

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa Ligtas na paglalakbay 🙂

Pindutin para sa mga Larawan 

GPS Tracking –
1. https://www.strava.com/activities/780409265 (San Vicente – Nacali Falls) back in forth. – 66.8km
2. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/nacali-falls-to-daet/2192729/full – 17.49km
3. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/daet-to-calabagas/2192730/full – 12.74km
4. Nasa halos 4km ang trail buhat sa zip-line papuntang Nacali Falls
5. Mahigit kumulang 2.5km ang layo ng Mananap Falls at Nacali Falls

Zip-line (two way) /per head
1. Sitting – 250 php
2. Superman – 350 php
3. Bike – 50 Php (2 mtb)
4. Tour Guide – 300 per group (max 5 person)

Para sa iba pang katanungan tungkol sa Nacali Falls / Zip-line, maari nyo pong kontakin si Sir Sammy Efondo – 0930-2850177

Mag-iwan ng puna