PATUNGKOL SA KURUMBOT

Buhayin ang Baybayin – Ang napakaganda at kahanga hangang alpabetong Pilipino – Isang pangarap na sanay matupad balang araw.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; Kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng Inang sa atin ay nagpala. – Gat Jose Rizal.

Nakalulungkot isipin na minsan ay kinakailangan mo pang mangibang bayan, para lamang mapagtanto kung gaano mo kamahal ang ating Inang Bayang Pilipinas 🙂
Maging Dayuhan sa Sariling Bayan  🙂 Tara na at dayuhin ang bawat paraisong lugar ng Pilipinas  – memaphu

Setyembre, 2008 ng magsimula akong magbisekleta gamit ang bisekletang pambundok o Mountain Bike. Nagsimula akong mag saliksik tungkol dito, hanggang sa matagpuan ko ang grupo ng pinoymtbiker.org ,(hindi pa uso ang facebook) sumama ako sa mga padyakan bilang newbiemaws o mga baguhang mamadyak. Hanggang sa napadalas na ang pagsama at dito na rin nagsimula ang kurumbot.com, upang maitala at maibahagi ang mga karanasan, magagandang lugar at tanawin na napapadyakan.
Ang una kung mountain bike ay nabili ko sa isang tindahan sa Cartimar (Vision frame at XCR Fork).

Malaking tulong talaga ang nagagawa ng pag bibisikleta lalo na pagdating sa ating kalusugan :). Mas naging aktibo, masigla ang pangangatawan at hindi halos dapuan ng karamdaman. Kayat kapag may pagkakataon ay hindi pinalalagpas na pumadyak.

Maraming Salamat sa aking mga kaibigan, nakasama, nakapadyak, nakilala at sa lahat ng mga taong nakasalamuha habang naglalakbay. Kayo po ang bida sa aking talaan 🙂 Maraming Salamat pala sa pinoymtbiker.org kung saan ako nagsimulang sumama sa mga padyakan.
Buong pusong pasasalamat. pagpupugay at pagpupuri sa Poong Maykapal sa kaligtasan at sa bawat pagsubok habang naglalakbay

Ang pangalan ng sapot ng pahinang (webpage) ito ay nanggaling sa prutas na kurumbot.

KURUMBOT –  Kabilang sa isang uri ng passion flower at ang lasa ay kahalintulad ng passion fruit. Ang scientific name nito ay Passiflora foetida Common Names: wild maracuja, Stinking passionflower, Bush Passion fruit, marya-marya, wild water lemonManamis namis at medyo maasim ang lasa. Maliit na prutas na gumagapang na matatagpuan kahit saang sulok na lugar ng Pilipinas, matatagpuan sa kagubatan o sa mga tabi ng daan o kakahuyan. Marami akong natagpuan nito sa Bikol lalo na sa Calabagas, San Vicente Camarines Norte ganon din sa Tarlac at Pampanga (Bamban at Clark). Pakwan-Dagis naman ang tawag sa kapampangan, Marya Marya sa Negros at pusa pusa sa ibang lugar.

Iilan lamang ang nakakaalam ng uri ng prutas na ito at kung hindi mo pa ito natitikman eh malas mo! magsimula ka ng maghanap dahil wala kang mabibili nito sa palengke o sa iyong suking tindahan.kurumbot6kurumbot1kurumbot3 kurumbot4kurumbot9kurumbot10kurumbot5kurumbot8kurumbot2 kurumbot7

9 na mga thought (isipan) sa “PATUNGKOL SA KURUMBOT”

  1. haha. sabi ko sa sarili ko parang pamilyar yung kurumbot nung banggitin mo sa akin. i heard it the first time sa mayor namin nung minsan pumadyak kami sa hanging bridge sa diwa, pilar, bataan kelan lang. may nadaanan kami niyan, kaso wala pang bunga kaya i dont have any idea what it looks like. eh di ko nga alam yan, kaya gaya ng sabi mo, sabi rin niya “malas mo”. hehe.

  2. Hayaan mo Memaphu, pag uwi ko uli sa Pilipinas, pasyal ako sa Pampanga – saan ba dyan sa Pampanga meron? May kamag-anak ako sa Guagua, Floridablanca at Angeles.

    1. Madalas ko pong makita sa bandang Clark at Bamban Tarlac nasa gilid lamang ng mga daan 🙂 Kung magbibisekleta din po kayo eh maari namin kayong samahan sa paligid ng Clark.

Mag-iwan ng puna

Mountain Biking Adventure :)