Bonanza sa Tag-Araw


Sobrang nakabibighani talaga ang kagandahan ng Bonanza 🙂 🙂 Sa ikalawang pagkakataon ay muling nasilayan at napadyakan ang paboritong kabundukan ng Bataan. Mas madali na rin ngayong matunton at di ka na maliligaw dahil sa ginawang bagong daan. Hindi kahalintulad noong isang taon, ngayon ay tuyo ang mga damo, lupa at kapaligiran, subalit napakaganda pa ring pagmasdan ang kakaibang anyo, kulay at hugis ng mga burol na madadaanan.

Tanggal agad ang pagod dahil sa pagdampi ng napakalamig at malakas na hangin na nagmumula sa karagatan na nasa ibaba lamang na bahagi ng Bagac, Bataan.

Pagkatapos ng Bonanza ay pumadyak pa kami sa Duhat (Orion, Bataan) upang pagmasdan ang paglubog ng araw 🙂

Matapos ang padyakan wag kalimutang bumili at uminom ng napakalamig na buko at kumain ng pakwan na itinitinda sa tabing kalsada pabalik sa pinaggalingan.

Maraming Salamat po sa napakabait na mga taga Bagac 🙂 lalo na sa Brgy San Antonio. 🙂 Kung saan kami nagpasimula at nag himpil ng mga sasakyan.

Pindutin para sa mga Larawan

GPS Map
Bonanza Track (30km Loop)
https://www.strava.com/activities/501892265

Duhat
https://www.strava.com/activities/501892107

Kasama ko nga pala dito sina Master Marlon at Master Don 🙂 Ang grupo naming TICL / Clark Mountain Bikers.