Mount Pinatubo 2014


Ito na ang pangalawang paglalakbay ko sa bundok pinatubo, noong una ay padyak all the way ang ginawa namin buhat sa mabalacat at pabalik. Kayat ngayon ay sa sta. juliana na kami nagsimula para mas maagang makauwi.. (yun ang akala). Kasama ko dito ang magigiting na manlalakbay na sina Master Marlon,Weisser, Jeff at Jake. Mas mahirap ang daan ngayon dahil nabago ang kundisyon dahil sa bagyong santi. nadagdag na pasakit ang 5 kilometrong tulak ang bisekleta sa kapal ng lahar dahil hindi madaanan ng 4×4. Kayat muli na namang inabot ng gabi sa daan, at nagkandaligaw sa dilim ng gabi :(.
Subalit sa kabila ng lahat ay masaya pa rin at salamat sa aming kakilala sa sta juliana at kamiy ipinagluto ng napakasarap na tinola at me buko pa 🙂
Salamat muli sa Poong Maykapal sa masaya at ligtas na paglalakbay 🙂
Uri ng padyakan : Sobrang Mahirap.
Layo o Distansya : Halos 55 kilometrong padyakan balikan (back in forth) , simula sa Sta juliana patungong bundok Pinatubo.

One thought on “Mount Pinatubo 2014”

  1. From: al
    JUNE 17, 2014 AT 8:19 AM
    hi. Balak namin pumadyak dito. Tanong ko lang susundan ba kayo ng 4×4 vehicle habang pumapadyak kayo?

    Gusto kasi sumama ni misis kasi first time namin pupunta ng pinatubo ang problema newbie lang sya sa pag bibisikleta kaya nagaalangan ako isama siya.

    pwede ba sya sumama sa 4×4 lang? ano naman magagawa nya kung nagbibike na kami.

    Kasagutan:
    Hi Sir Al, Mukhang pwede po iyon kakausapin nyo lamang po yung magiging tour guide ninyo. Nabanggit lang din sa akin ng nakilala naming tourist guide dati. Maari din pong sumakay na lamang sa 4×4 ang mrs ninyo at sasamahan naman siya ng tour guide para maglakad papuntang crater. Napakabait naman po ng mga tour guide at madaling kausap.

    From:cha
    JANUARY 12, 2015 AT 2:23 PM
    Sir, balak namin pumadyak d2 this week, may parking ba ng sasakyan sa sta. juliana? at possible ilang oras balikan? siguro magstart kmi pumadyak ng 8am. tnx

    Kasagutan:
    JANUARY 12, 2015 AT 3:21 PM
    Meron naman pong parking magtanong lang po kayo doon.
    Kung medyo mabilis po ang padyak nyo kaya nyo ng mahigit kumulang 12 oras.
    Ito po yung naitalang tracking ko nong huling punta namin. medyo mabagal lang ang
    takbo namin inabot ng dilim 8:00pm –
    Magdala po kayo ng maraming tubig at ilaw pauwi para sigurado.

Mag-iwan ng puna