Mga Imbak na Marka: biking

Padyakan sa Bikol

Maraming salamat sa mga nakasama kung Maphu Bikers 🙂
Mula umaga hanggang gabing padyakan 🙂

Mga Destinasyon.
Pandawan Mercedes
Mananap Falls, San Vicente
Nacali Falls, San Lorenzo Ruis
Bagasbas Beach, Daet
Camarines Norte.

Pindutin para sa mga Larawan

GPS
https://www.strava.com/activities/945558861 https://www.strava.com/activities/945558887

badi falls, Kapangan, benguet

Halos tatlong araw na padyakan.

  1. Unang Araw – Baguio to Brgy. Balakbak, Kapangan – Longog Cave – Amburayan River – Kabundukan sa Daan 🙂
  2. Ikalawang Araw – Brgy. Balakbak to Brgy Sagubo – Kapangan Badi Falls – Liteng
  3. Ikatlong Araw – Pasyal sa Liteng – Liteng to Taba-ao – Uwian na.

Maraming Salamat sa Diyos sa ligats na paglalakbay. Sobrang ganda talaga sa Kapangan 🙂 Maraming Salamat Master Weisser Coilan sa espesyal na imbitasyon. Maraming Salamat rin sa iyong buong pamilya sa mainit na pag tanggap.

Maraming Salamat sa lahat ng taong aming nakasalamuha. Sobrang bait talaga ng mga taga cordillera, Sobrang ganda at napaka linis ng lugar.

Syempre Maraming Salamat Masters Marlon Sazon Gabe Paras Goro Jose Shigeno Ang Sarap ngu Etag (Pork and beans) , Pinikpikan atbp na luto ni Ankol Sammy (Tiyo ni Master Weis) Maraming Salamat po!  at maraming salamat din din kay Master Emat na nag guide sa amin patungong Badi falls at Liteng na inabot na ng hatinggabi.

Unang beses din nakatikim ng Rice Wine. 🙂 Sobrang ganda talaga lalo na sa Liteng 🙂 Kapangan Badi Falls Kapangan Benguet. MAP MAP TENG!

Pindutin para sa mga larawan 🙂

GPS
https://www.strava.com/activities/1415060342
https://www.strava.com/activities/1415060482
https://www.strava.com/activities/1415060203 https://www.strava.com/activities/1415060234

Killer Loop – Bataan


Alas Dos ng madaling araw ng pumadyak ako buhat Mabalacat, Pampanga patungong San Fernando at doon sumakay ng Bus patungong Mariveles. Lagpas alas kwatro na ng dumating sa may Total Gasoline Station sa  Crossing na patungong Mount Samat at Balanga. Napakalakas ng ulan ng mga bandang Alas Kwatro, mabuti na lamang at naging maalliwalas ang panahon ng lumiwanag.

Kasama ko ang magigiting na manlalakbay sa pangunguna ni Master Adriel (Pampanga Trail riders) at Leo ng Limay, Bataan. Tulad ng muling inaasahan ako ay nabighani sa napakagandang mga tanawin at napaka teknikal na daan. Mapapalaban ka ng husto sa padyakan at dahil dito ay maka ilang beses din akong sumemplang :).

Malaki rin ang tsansa na maligaw lalo na kung baguhan dahil sa mataas na talahib, makitid at sanga sangang daan. Tanaw na tanaw mo dito ang krus ng Mount Samat at may ilang bahagi na mas mataas pa ang aming kinatatayuan kaysa sa krus. Kailangan ding marami kang dalang tubig dahil tiyak na sobrang uhaw ang mararanasan. Pasalamat nga kami dahil hindi gaanong tirik ang araw ng kami ay maglakbay. Isa ito sa napakasarap puntahan at balik balikan.

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa ligtas at napakasayang padyakan.
Maraming Salamat Master Adriel sa imbitasyon at sa kasama naming si Master Leo.

Pindutin para sa mga Larawan
Larawang Kuha ni Master Adriel

Nasa mahigit 35km paikot buhat sa Total Gas Station. umabot lang ng 38km ang aming talaan dahil sa may binalikan.
Pindutin para sa mapa (GPS)
Pindutin para sa STRAVA GPS

BZMont Bagyong Padyakan


Alas Syete ng umaga ng magsimula kaming pumadyak mula sa Mabalacat /Clark patungong BZMont. Kasama ko dito si Master Michael habang si Master Derrick ay tumagpo na lang sa may Petron Basa.

Halos walang tigil ang ulan at basang basa kami habang binabagatas namin ang daan paakyat ng BZMont. Laking pasalamat at ligtas pa rin kaming nakatawid sa ilog na umaapaw. Nakasalubong pa namin si Sir Bong na dala ang kanyang motor upang salubingin ang mga mamadyak na galing pang Maynila. Sinubukan rin naming puntahan ang Patal Falls subalit hindi namin nasilayan kahit napakalapit na dahil sa lakas ng agos ng tumubong talon sa gilid ng bangin kayat napilitang umatras para sa aming kaligtasan.

Napakasaya ng padyakang ito dahil nagdatingan ang ibat ibang grupo ng mamadyak na karamihan ay galing pa sa Maynila katulad ng MBU at Tulakeros. May inabutan din kaming naunang grupo na galing sa Balanga, Bataan.

Katulad pa rin ng dati sobrang busog sa dami ng pagkain sa BZmont at lubos ang pasasalamat kay Sir Bong at sa kasama niyang nag asikaso sa amin.

Habang papauwi ay wala pa ring habas ang lakas ng ulan at bahang baha na ang mga baranggay na nadaanan namin sa bayan ng Florida ang mga kotse at malilit na sasakyan ay halos di na makadaan sa taas ng baha.

Inabot na kami ng mahigit alas syete ng gabi bago nakauwi sa aming mga tirahan.

Pindutin para sa mga Larawan

Layo o distansya 122km Balikan
Pindutin para sa mapa ng GPS

Nakalulungkot lamang na balita dahil makalipas ang isang linggo ay pumanaw si Sir Bong dahil sa isang aksidente….Eksakto pa  naman sa kanyang kaarawan at kinabukasan ang selebrasyon na pupuntahan ng napakaraming Mountain bikers. Yun na pala ang huli naming pagkikita. Ang hinahangaan namin sa kabaitan, idolo sa padyakan at itunuring na kaibigan… Rest in Peace Sir Bong….

Davilan Trails


2008 pa ng huli akong makapag bisekleta sa bandang Laguna at Cavite 🙂 Salamat kay Master Manoy sa pag imbita. Dinala nila ako sa paborito nilang palaruan ang “Davilan Trails” na nasasakop na ng Carmona Cavite. Nagsimula kami sa mismong bayan ng Carmona, dumaan patungong Nuvali at lumabas sa Cardiac Hill. Nagpahinga at uminom ng buko sa Bukuhan :). Dito na rin kami nagkita ni Master Marlon 🙂 galing pa siya ng bandang Molino. Matapos magpahinga ay sama sama na kaming dumiretso patungo sa Davilan. Napakaganda rin ng daan dito at puro pababa na medyo teknikal. Meron din kubo na pwede kang magpahinga na kung saan matatanaw mo ang buong bayan ng Carmona at kalapit na bayan. OO nga pala sobrang matamis ang pinya sa Silang 🙂 Kulang ang pamamasyal mo kung hindi mo ito matitikman. Pindutin para sa mga Larawan 🙂 Layo o Distansya: Nasa Mahigit 30km paikot ng Carmona, medyo nahuli lang ang pagkatala ng GPS 🙂 Paki pindot para sa GPS Map 🙂