Ride with Pride (La Mesa Water Shed)


Ito yung kauna unahang karera na sinalihan ko. Isang buwan pa lang ako nag bibisekleta at sinubukan ko sumali para maranasan man lamang 🙂 Buhat sa Manila ay pumadyak pa ako patungong La Mesa. Ang pondo sa karera ay mapupunta para sa pagtatanim at pangangalaga ng La Mesa Watershed.

Napakasaya naman ng karerang ito dahil napakarami ang sumali. Napuno ng putik ang aking bisekleta subalit sulit hehehe dami kung naubos na libreng pocari sweat 😛
Nagulat yung kapitbahay ko pag uwi ko dahil puro putik ang damit at bisekleta ko 😀

Pindutin para sa mga Larawan

Ang mga larawan ay galing sa pinoymtbiker.org 🙂 Salamat.
Layo o Distansya: Nasa 46km balikan buhat sa Manila hanggang La Mesa Watershed. + nasa mahigit 10km siguro yung Trail?
Petsa: 10/19/2008

Mag-iwan ng puna