Killer Loop – Bataan


Alas Dos ng madaling araw ng pumadyak ako buhat Mabalacat, Pampanga patungong San Fernando at doon sumakay ng Bus patungong Mariveles. Lagpas alas kwatro na ng dumating sa may Total Gasoline Station sa  Crossing na patungong Mount Samat at Balanga. Napakalakas ng ulan ng mga bandang Alas Kwatro, mabuti na lamang at naging maalliwalas ang panahon ng lumiwanag.

Kasama ko ang magigiting na manlalakbay sa pangunguna ni Master Adriel (Pampanga Trail riders) at Leo ng Limay, Bataan. Tulad ng muling inaasahan ako ay nabighani sa napakagandang mga tanawin at napaka teknikal na daan. Mapapalaban ka ng husto sa padyakan at dahil dito ay maka ilang beses din akong sumemplang :).

Malaki rin ang tsansa na maligaw lalo na kung baguhan dahil sa mataas na talahib, makitid at sanga sangang daan. Tanaw na tanaw mo dito ang krus ng Mount Samat at may ilang bahagi na mas mataas pa ang aming kinatatayuan kaysa sa krus. Kailangan ding marami kang dalang tubig dahil tiyak na sobrang uhaw ang mararanasan. Pasalamat nga kami dahil hindi gaanong tirik ang araw ng kami ay maglakbay. Isa ito sa napakasarap puntahan at balik balikan.

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa ligtas at napakasayang padyakan.
Maraming Salamat Master Adriel sa imbitasyon at sa kasama naming si Master Leo.

Pindutin para sa mga Larawan
Larawang Kuha ni Master Adriel

Nasa mahigit 35km paikot buhat sa Total Gas Station. umabot lang ng 38km ang aming talaan dahil sa may binalikan.
Pindutin para sa mapa (GPS)
Pindutin para sa STRAVA GPS

BZMont Bagyong Padyakan


Alas Syete ng umaga ng magsimula kaming pumadyak mula sa Mabalacat /Clark patungong BZMont. Kasama ko dito si Master Michael habang si Master Derrick ay tumagpo na lang sa may Petron Basa.

Halos walang tigil ang ulan at basang basa kami habang binabagatas namin ang daan paakyat ng BZMont. Laking pasalamat at ligtas pa rin kaming nakatawid sa ilog na umaapaw. Nakasalubong pa namin si Sir Bong na dala ang kanyang motor upang salubingin ang mga mamadyak na galing pang Maynila. Sinubukan rin naming puntahan ang Patal Falls subalit hindi namin nasilayan kahit napakalapit na dahil sa lakas ng agos ng tumubong talon sa gilid ng bangin kayat napilitang umatras para sa aming kaligtasan.

Napakasaya ng padyakang ito dahil nagdatingan ang ibat ibang grupo ng mamadyak na karamihan ay galing pa sa Maynila katulad ng MBU at Tulakeros. May inabutan din kaming naunang grupo na galing sa Balanga, Bataan.

Katulad pa rin ng dati sobrang busog sa dami ng pagkain sa BZmont at lubos ang pasasalamat kay Sir Bong at sa kasama niyang nag asikaso sa amin.

Habang papauwi ay wala pa ring habas ang lakas ng ulan at bahang baha na ang mga baranggay na nadaanan namin sa bayan ng Florida ang mga kotse at malilit na sasakyan ay halos di na makadaan sa taas ng baha.

Inabot na kami ng mahigit alas syete ng gabi bago nakauwi sa aming mga tirahan.

Pindutin para sa mga Larawan

Layo o distansya 122km Balikan
Pindutin para sa mapa ng GPS

Nakalulungkot lamang na balita dahil makalipas ang isang linggo ay pumanaw si Sir Bong dahil sa isang aksidente….Eksakto pa  naman sa kanyang kaarawan at kinabukasan ang selebrasyon na pupuntahan ng napakaraming Mountain bikers. Yun na pala ang huli naming pagkikita. Ang hinahangaan namin sa kabaitan, idolo sa padyakan at itunuring na kaibigan… Rest in Peace Sir Bong….

Pampanga to Baler


Noon pang isang taon balak puntahan itong Baler subalit hindi matuloy tuloy sa maraming kadahilanan 🙂

Dalawang araw bago sumapit ang ika labindalawang araw ng Hunyo ay saka lamang napagpasyahang ituloy na ang padyakan mula Pampanga patungong Baler, Aurora.

Akala ko ay magsosolo na naman mabuti na lamang biglang sumulpot si Master Michael ng di inaasahan.

Kahit baguhan at unang sabak sa malayong padyakan ay tila halimaw sa daan 🙂 partida pa dahil sa batalyang bakal ang bisekletang ginamit padyakan.

Inabot ng sobrang init, ulan, nabutasan ng gulong, dilim sa gitna ng kabundukan, hinabol ng mga aso 😛 at sa tila walang katapusang ahon at lusong ang naranasan sa kabundukan.

Subalit lahat ng pagod at hirap ay nalunasan ng masilayan ang paraisong matagal ng ninais puntahan..

Mga talaan:

1. <> 20 oras na padyakan kasama na ang pahinga.

2. Dalampasigan ng Baler – Surfing at dito natulog sa tent/ buhangin

3. Ditumabo Mother Falls – Sobrang ganda at dami ng tao, halos 20 kilometro mula sa Baler

4. Balete Park /Millenium Tree- mahigit 600 na taon at pinakamalaki daw sa buong Asia? nasa mahigit 13km Mula sa Baler

5. Ermita Hill – Napakagandang tanawin at masisilayan mo ang halos buong dalampasigan ng Baler at dagat pasipiko

Dito rin umakyat noong December 27, 1735 ng gabi ang mga taong nakaligtas sa Tsunami (“Tromba Marina”)

at maraming pang importanteng pangyayari tungkol dito sa Ermita Hill paki google nyo na lamang 🙂

Pindutin para sa mga Larawan

Napakaganda ng Baler at marami pang lugar na maaring puntahan subalit sa oras ay kinulang kayat kailangang muling mabalikan.

Pauwi sumakay na ng Bus at sa San Fernando na lamang pumadyak.

Baler – Cabanatuan = 248 pesos? (nakalimutan eksatong pamasahe)

Cabanatuan – San Fernando – 108 pesos

San Fernando – Mabalacat – Padyak 26.4km

Maraming Salamat sa Poong maykapal sa ligtas at masayang paglalakbay.

Salamat muli sa mga sumusunod:

Master Louie – #pmtb #manilabikers #aurorabikers

Balid Native Restaurant – na nag alok ng libreng paliligo at charging ng mga gadgets at nag alok din na doon tumuloy ng libre.

Panatag Surf School – napakamurang tent (100 bawat araw) at may libreng inuming tubig at lugar kung saan kami natulog.

MBU – Rockenroll 🙂 Nakasama sa ikalawang gabi sa tabing dagat.

Master Michael

TICL group – mga nagbigay ng tips at nagdasal

At sa lahat ng nakasalamuha at don kay bro na kumuha ng aming larawan nong hating gabi pagdating namin ng Baler 🙂

Talaan ng Paglalakbay

Pampanga to Baler – 186km https://www.strava.com/activities/325153269

Mother Falls – 39.2km balikan https://www.strava.com/activities/325154391

Ermita Hill – 16,3km balikan https://www.strava.com/activities/325154692

Sm San Fernando – Mabalacat – 26.4km https://www.strava.com/activities/325154816