Mang Ben

Pindutin para sa larawan 🙂

Mahigit isang taon na rin ang nakalilipas ng una namin itong masilayan habang nagbubutas ng daan (exploride). Kasama ko pa noon si Master Tisoy Jerome #aetamountainbiker

Unang pagkakataon na makakita ng napakaraming puno ng Buko dito sa Pampanga / Tarlac.
Nakatago lang pala ito sa likod ng Clark sa pagitan ng mga burol at bundok.

Bago marating, kailangan mo munang tumawid ng ilog/sapa at tahakin ang paanan ng bundok at ilang magubat na bahagi. Si Mang Ben ang nagmamay-ari ng lupain at bukohan .

Ngayon binalikan namin kasama ang Clark Mountain Bikers / TICL.
Limampung piso (50 pesos)  lang bawat isa ang binayad namin para sa walang sawang buko 🙂

Balatok Trail

Pindutin para sa mga larawan 🙂

Ito ang isa sa paborito naming pasyalan, lalo na kapag nasasabik sa buko at kapag may bisita kaming kasama, Sa likod lang din ito ng Clark, Pampanga, mahigit 20km lamang balikan. Bago mo marating ay kailangan mo munang pumadyak sa gilid ng mga bundok, ilang masukal na bahagi at kailangan ding tumawid ng ilog. Dahil madalas kami sa lugar ay naging kaibigan na namin ang ilan sa mga nakatira dito. Bukod sa buko ay meron ring Kapeng barako ng batangas, Kakaw, Rambutan at Pomelo. Kasama ko pala rito ang mga kaibigan ko buhat sa Clark Mountain Bikers 🙂

Maraming Salamat po 🙂