Sta Rosa – Silang Trail


Mag isa akong pumadyak patungong Sta Rosa buhat sa Manila upang sumama sa newbie halimaw part 3 padyakan ng PMTB.
Wala pang Nuvali nong panahon na ito 🙂 hehehe ito pa ang pinakasikat na padyakan sa bandang South. Nakilala ko dito ang matitikas na mga taga Sta Rosa at iba pang grupo na nagmula pa sa Manila at ibang karatig lugar.
Ito rin ang una kung beses na masilayan at matikman ang masarap na pagkain sa tindahan ni Aling Pinas.
Sulit ang pagod dahil napakasayang padyakan ito at halos lahat ng trail ay aming pinuntahan. Salamat muli sa PMTB Sta Rosa 🙂 di ko na halos matandaan ang mga pangalan 🙂
Salamat kay Master Romy na isinabay na ako pauwi 🙂
Asan na kaya sila ngayon? iilan na lang ang nakikita kung aktibo sa pagbibisekleta 🙂
Ang ibang larawan ay kuha ng aking mga nakasama 🙂 Salamat.
Layo o Distansya – Mahigit 40km buhat manila to Sta Rosa via service road.
+ mahigit kumulang 20km paikot ang trail.
Petsa: 11/15/2008
….

Mag-iwan ng puna