Aramoy / Bambanin Trail


Sa likod lang din ito ng Clark Pampanga. Di lang kami sigurado kung nasasakop ng Mabalacat Pampanga o Bamban Tarlac.

Lahar, Downhill, Enduro at Mountain Climbing ang mararanasan. Maraming Salamat Master Tisoy (ang nag iisang aeta mountain biker) at sa iyong tatay na nagpatuloy sa kanyang lupain na kabundukan. Matatanaw mo dito ang buong Clark Pampanga at karatig na lugar kayat maganda ito para sa mahilig sa bundok at tanawin.

Bukod sa pagbibisekleta at pag akyat ng bundok, ako ay natuto ring gumamit ng pana, nabusog sa napakasarap na pagkain na iinihain at inilatag sa dahon ng saging at pagkatapos ay naidlip sa kubo 🙂

Napahanga ako sa galing ni tisoy pagdating sa downhill kahit walang ensayo sa pagbibisekleta sa bundok ay tila balewala lamang ang bangin 🙂

Maraming Salamat sa Diyos sa ligtas at masayang paglalakbay 🙂

Pindutin para sa mga Larawan 

GPS Map

1. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/exploride-clark/1972128/full

2. https://www.strava.com/activities/472034494