Manila to Bicol


Matagal ko ng balak ito at sa wakas! natupad rin 🙂 , matapos ang ilang buwang pag eensayo. Mag isa akong pumadyak mula Maynila hanggang Bicol. Sa service road ako dumaan patungong Muntinlupa hanggang Laguna. Sa medyo mahirap na ruta pala nadaanan ko hehehe bahagyang naligaw. Nakakangawit din ang paakyat ng Majayjay 🙂 Dinaanan ko rin kahit sandali ang pamosong Taytay Falls , bago dumiretso na ako ng Lukban Quezon upang sulyapan ang Kamay ni Jesus. Matapos ang kunting pahinga ay tumuloy na ako sa Tayabas Quezon,diretso na sa Pagbilao, ito yung shortcut na hindi na dadaan ng Lucena. Alas sais na ng gabi ng maakyat ko ang bitukang manok kayat nakabukas na ang ilaw ko pagbaba ng Atimonan. Nagpalipas lamang ako ng gabi sa Sea Breeze beach resort pagkalampas ng bayan ng Atimonan at kinabukasan ay tuloy tuloy na hanggang bicol 🙂

Pindutin para sa mga Larawan 🙂

Uri ng padyakan : Mahirap pero Masaya :D
Layo o Distansya : 369 kilometrong padyakan mula Manila hanggang San Vicente Camarines Norte (Bicol)

Pindutin para sa GPS Talaan ng Paglalakbay 

.

Mag-iwan ng puna