Buhay Falls

Nasa 27km lang buhat Mabalacat pero inabot ng maghapong padyakan πŸ™‚

Mini Miyamit ang dating para sa akin.
Ang ganda ng mga view sa itaas ng bundok.
Napakaganda ng daan kahit medyo masukal ang ibang parte.

Maraming Salamat sa Diyos at ligtas kaming lahat heehhe kahit maraming sumemplang at muntik mahulog sa bangin

Maraming salamat Master Tisoy sa padyakang ito.

 

https://www.strava.com/activities/1385571417

Pindutin para sa mga Larawan πŸ™‚

 

SMB2M2 Trails

 

Isa sa magandang ruta kapag ikaw ay nasa Clark Pampanga o kalapit lugar. SMB2M2 – San Martin – Batson – Balatok – Mainang – Malasa.

Nagsimula kaming pumadyak bandang 5:30 ng umaga sa Mabalacat, Pampanga at pumasok ng Clark .Nasa mahigit 50km paikot kayat sulit na sulit na pasyalan. Magkahalong trails at road ang ruta. Ahon lusong, tawid sapa, ilog, at me kasama pang tulakan.

Ito ang detalyeng ruta: Mabalacat – Clark – Dino Trail- Bee Trail – Macapagal Downhill – Sacobia – San Marting – Batson -Balatok-Mainang – Malasa – Mauricia- Gurol gurol – Mainang – Mabalacat.

Pindutin para sa mga larawan

Pindutin para sa GPS

 

4th Miyamit Bike for a Cause

Ito na ang pinaka maraming mountain bikers na sumama patungo ng Miyamit. Mahigit 400 ang sumama at nag bigay ng donasyon para sa mga kapatid nating Aeta. Kasama ko naman dito ang aming grupo na TICL / Clark Mountain Bikers.Β Tulad noong isang taon naatasan din kaming tumulong bilang marshal. Maraming Salamat sa mga Pasimuno ng padyakang ito (Adriel, Lynette,Chtis , PTB, CMTB, Marshal, Medic) AtΒ Maraming Maraming Salamat po sa inyong lahat na nagbigay ng tulong o donasyon at sa lahat ng Mamamadyak!Β Β Malaking tulong po ang naiambag ninyo sa ating mga kapatid na Aeta. Hanggang sa muling pagbabalik sa Miyamit!

Pindutin para sa mga larawan

https://www.strava.com/activities/840402354

Padyakan sa Clark Pampanga


Sulit na padyakan dahil apat na lugar sa paligid ng Clark ang aming nabisita sa loob ng isang araw.
1. Sitio Calapi
2. Haduan Falls
3. Hoy Land
4. Cama De Grass / Batson Trail

Si Master Jerome ang nag aya sa padyakang ito kasama ang mga bagong kapadyak na karamihan ay taga Mabalacat at Bamban. Pagsapit sa Clark ay meron pang sumama sa aming mga kabataan at ang isa ay naka bisikletang Fixie pa πŸ™‚

Una naming pinuntaahn ang Sitio Calapi. Sa Marcos Village kami dumaan sa gilid ng Clark at tumawid sa ilog ng Lahar at inakayat ang matarik na bundok paahon sa Sitio Calapi.
Napakaganda ng lugar at napaka babait na mga kapatid nating Aeta. Namigay din kami ng ilang pagkain sa mga batang naroon upang kahit papano ay makapagbigay ligaya at saya.
Napahanga ako sa kasama naming batang naka fixie dahil balewala ang lahar at ilog. pati na ang teknikal na pababa.

Matapos makapag pahinga ay tuwang tuwang pumadyak pababa πŸ™‚ dahil sa bandang ibaba ay merong maliit na sapa πŸ™‚ . Muling binaybay ang kahabaan ng ilog ng lahar patungong Haduan Falls. Β Iniwan na namin ang mga bisekleta sa isang bahay at hindi na namin dinala sa mismong talon. Masayang naligo ang ibang mga kasamahan namin, habang ako at ang ibang kasama ay nagkasayang manood na lamang. Marami ring mga turistang dumayo ng araw na iyon. Masayang makita muli ang mga kapatid nating Aeta sa Haduan na halos naging kaibigan na dahil sa madalas na pagbisita.

Matapos nito ay masayang bumalik na kaming lahat sa Clark at nag sipag uwian na.
Subalit si Master Harry ay medyo bitin pa kayat kami ay panandaliang Β kumain at nagpahinga. Pagkatapos ay muling pumadyak patungong Holy Land at ang pinakahuli ay ang Cama De Grass / Batson Trail. Dinaanan din namin ang TICL trail na ang labas ay sa mismong sa itaas na ng Little Baguio.

Layo o Distansya – 62.4km
GPS Mapa Β https://www.strava.com/activities/789530157

Nacali Falls


Ang Talon ng Nacali (Nacali Falls) ay nasasakop ng bayan ng San Lorenzo Ruiz. (Imelda ang dating tawag sa bayan). Ito rin ngayon ang bagong atraksyon ng mga turista sa CamNorte πŸ™‚

Bago mo marating ang Talon ay kinakailangan mong sumakay ng Zip-line para makatawid sa kabilang bundok. Maari pa rin namang hindi gumamit ng zip-line subalit tatahakin mo ang bundok at tiyak na matatagalan.

Kasama ko pala dito si Master Joel ng Maphu Bikers πŸ™‚
Akala namin ay madali lamang dahil maaga pa lamang (8:30am) ay nakatawid na kami ng zip-line.

Unang beses pa lang rin nilang ginamit ang zip-line sa pagsakay ng bisekleta. Dati kasi ay gumagamit sila ng Tram-line subalit ito ay kasalukuyang hindi gumagana.

Binigyan kami ng payo tungkol sa mga daan, Subalit pagdating na sa gitna ng kabundukan ay napakaraming sanga sangang daan at nakakalito kayat napabalik pa at naligaw ng di inaasahan Maswerteng may nakasalubong kami at napagtanungang magsasaka kayat muling natunton ang tamang daan.

Pagbaba sa bandang ilog ay wala pa rin kaming talon na natagpuan.:(
Kayat sinubukan naming akyatin ang bundok dahil may nakita kaming daan. Naikot na namin at narating ang isa pang ilog sa kabila subalit walang talon na nakita. Sa itaas ay ilang beses din na nakapitan kami ng limatik, dahil na rin sa pabugso bugsong ulan kung saan sila naglalabasan.

Tila nawawalan na ng pag asa pang makita ang talon. Eksaktong alas dose na ng tanghali ay nasa tuktok pa kami ng bundok na unti unti pang dumidilim dahil sa sama ng panahon.

Napag pasyahang muling bumalik muli sa unang ilog sa ibaba. Dahan dahan ang pagbaba dahil sa bukod sa matarik ay madulas pa ang daan dahil sa ulan. Habang pababa sa bandang kanan ay may narinig kaming lagaslas ng tubig. Laking tuwa ng silipin dahil sa wakas! tila ito na ang talon naming hinahanap.Subalit hindi pa lubos na masilayan dahil sa matarik na bangin at maraming punong nakaharang.

Nang makababa ng ilog ay binaybay namin pababa sa bandang pakaliwa at doon lubos na kasiyahan ang nadama ng masilayan ang nakatago at nakaka bighaning Talon. Sobrang linis at linaw ng tubig πŸ™‚ Napakalapit lamang pala kung tutuusin πŸ™‚ Nakatago lang pala sa gilid na bahagi ng bundok. πŸ™‚

Sa bandang ibaba ay merong mini pool at falls at sa bandang itaas ang mismong napakaganda at mataas na Talon.

Matapos kumuha ng tubig, larawan, at bideyo ay nagmamadali rin kaming bumalik Medyo mabilis din nakabalik dahil sa pababang daan.Alas Tres y medya na ng makauwi sa aming mga tinutuluyan. Tamang tama 5:30pm ang alis ng DLTB Bus pauwi ng Maynila kayat nakapag pahinga pa ng kunti bago bumiyahe pabalik.

Maraming Salamat sa Poong Maykapal sa Ligtas na paglalakbay πŸ™‚

Pindutin para sa mga LarawanΒ 

GPS Tracking –
1. https://www.strava.com/activities/780409265 (San Vicente – Nacali Falls) back in forth. – 66.8km
2. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/nacali-falls-to-daet/2192729/full – 17.49km
3. http://www.sportstracklive.com/track/map#memaphu/Mountain-Biking/daet-to-calabagas/2192730/full – 12.74km
4. Nasa halos 4km ang trail buhat sa zip-line papuntang Nacali Falls
5. Mahigit kumulang 2.5km ang layo ng Mananap Falls at Nacali Falls

Zip-line (two way) /per head
1. Sitting – 250 php
2. Superman – 350 php
3. Bike – 50 Php (2 mtb)
4. Tour Guide – 300 per group (max 5 person)

Para sa iba pang katanungan tungkol sa Nacali Falls / Zip-line, maari nyo pong kontakin si Sir Sammy Efondo – 0930-2850177

Pampanga – Baler – Pampanga


Maraming Salamat sa Poong maykapal sa ligtas at matiwasay na paglalakbay πŸ™‚
Padyakang balikan mula Pampanga patungong Baler. Kasama ko dito ang magiting na mamamadyak na si Master Marlon. Nagsimula kaming pumadyak ng gabi buhat sa Mabalacat na medyo bumubuhos ang ulan, pagdating ng bandang Tarlac at Nueva ecija ay napaka aliwalas naman. Mahigit alas kwatro na ng umaga bago namin narating at naakyat ang Pantabangan kung saan kami umidlip at nagpahinga. Sa hirap ng ahon at inabutan pa ng init ng araw sa kabundukan ay hapon na bago narating ang Baler, dinaanan na rin namin ang Higanteng Balete sa Maria Aurora.

Kinabukasan ay pinasyalan namin ang dalawan sikat na Talon nang San Luis, ang talon ng Ditumabo (Mother Falls) Β at Caunayan.Β Habang pauwi ay naabutan namin si Master Nelson malapit na sa bayan ng Baler. Pumadyak din galing Pampanga kasama ang kanyang mga katrabaho na galing naman ng Manila.

Nang sumapit ang Β gabi matapos makapagpahinga at kumain ay sinimulan na rin naming pumadyak pabalik ng Pampanga, subalit biglang bumuhos ang ulan kayat medyo naantala πŸ™‚ .Agad ipinagpatuloy ng medyo tumila at nagsuot na rin ng kapote :). Β Mas masarap talagang pumadyak sa gabi bukod sa malamig ang panahon at halos walang sasakyang dumaraan. Halos maligo pa rin sa pawis habang binabagtas ang mga kalsadang bundok ng Aurora. Sobrang hirap pa rin lalo na ang bahagi sa pagitan ng Aurora at CastaΓ±eda, Nueva Viscaya. Halos magliliwanag na ng marating namin ang bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija. Β Eksaktong 2:26pm na ng hapon ng marating namin ang Mabalacat. πŸ™‚

Ito yung mga lugar kung saan kami kumain at nagpahinga.
1. Petron Pantabangan – Kumain ng agahan ng patungong Baler, me libreng kubo kung saan kami naidlip panandalian. 80 pesos isang order ng adobong kambing.
2. PetronΒ  CastaΓ±eda – Tanghalian – 50 pesos yung baka na tila tapa? pero masarap. mas sumarap dahil sa kaning organiko.
3. Tindahan ni Apple sa itaas ng bundok sa napakatarik na kalsada πŸ™‚ bandang aurora at Β bukas 24 oras. Masarap yung organikong suman na nanalo raw sa paligsahan. at napakamurang bilihin lalo na mga pasalubong, souvenirs at mga prutas.
4. Restaurant sa pagitan ng Talavera at Cabanatuan malapit sa Arko – Sarap ng bulalong kalabaw na 50 pesos lamang πŸ™‚ nagbigay lakas para makapadyak pabalik ng Pampanga.
5. Gasoline station sa may arko ng Talavera at Cabanatuan – Kung saan kami madalas umidlip patungo at pabalik, meron ding Kubo sa gilid na pwedeng tulugan ng libre.
6. Kainan sa Rizal, Nueva Ecija na bukas 24 oras bago sumapit ng 7/11 kung saan kumain kami ng lugaw ng patungo ng Baler. Mag ingat lamang sa mga pagala galang tao na tila hindi natutulog πŸ™‚

Dobleng ingat rin kami sa mga Aso sa daan lalo na sa kabundukan na madalas humahabol pa habang pumapadyak πŸ™‚

Talaan ng Paglalakbay πŸ™‚
Unang Gabi – Pampanga to Baler – 195kmΒ https://www.strava.com/activities/731492911
Kinabukasan – Padyakan sa Talon – 51km –https://www.strava.com/activities/731491992
Pagsapit ng Gabi – Baler to Pampanga – 181km –Β https://www.strava.com/activities/731492796

Batson Trail

Maraming Salamat sa Diyos sa ligtas na paglalakabay. Napakagandang pagmasdan ang ilog, parang, mga lambak, burol at bundok sa paligid :D. Maraming Salamat din sa mga taong napagtanungan lalo na kay Mang Danny at Efraim, mga nakilala ko sa daan habang pumapadyak. Maka limang beses tumawid sa iisang ilog at naligaw, mabuti na lamang at nakuha rin ang tamang daan at eksaktong sa pagdilim ay naakyat na ang Sitio San Martin.

Pindutin para sa mga Larawan πŸ™‚

GPS
1.Β http://www.sportstracklive.com

2.Β https://www.strava.com/activities/715258829

TICL Sa BZMONT

Taon-taon kung kami ay pumadyak at bumisita sa BZmont. Masayang isipin na maraming nakasamang myembro ng TICL sa balikang padyakang ito. Nasa labing pito kaming lahat na pumadyak buhat pa sa Mabalacat, Pampanga patungong BZMont Bikers Haven, na sakop ng Zambales. Β Nakakabilib ang mga baguhang kasama dahil hindi nagpatinag sa layo, init ng araw at ambon. Hindi talagang nakakasawang puntahan ang Talon ng Patal at ang kabundukang nakapaligid dito. Nakakagutom ang napakasarap na pagkaing inihain sa amin at ang lalong nagpasarap ang espesyal na Adobong Karne ng Baboy Ramo πŸ™‚

Matapos nito ay umakyat at namitas pa sa puno ng Santol, Mangga, Aratiles at Kurumbot. Hilaw pa ang Avocado kayat hindi na natikman pa. Napakasaya ng padyakang ito kahit na inabot na ng mahigit alas otso ng gabi bago nakarating sa aming mga tahanan.

Maraming Salamat sa poong maykapal sa ligtas at masayang padyakang ito.
Inabot ng 122km balikan . Ito ang ika apat na beses kung paglalakbay sa BZmont.

Pindutin Para sa Mga Larawan

Pindutin para sa GPS ng paglalakbay πŸ™‚

Mountain Biking Adventure :)