Bueno Hot Spring / Monasterio De Tarlac


Papunta talaga kami ng Mount Pinatubo at pinaghandaan namin ito ng husto ni Master Nelson kayat alas singko pa lang pumapadyak na kami. Marami rin kaming baon na pagkain at tubig na inumin. Pagdating namin sa Sta Juliana ay hinarang kami at di na pinatuloy sa kadahilanang unang araw pala ng Balikatan? 🙂 Kayat naisipan naming maghanap ng alternatibong pupuntahan at eksaktong nadaanan namin ang karatula ng Bueno Hot Spring. Hindi inaakalang meron palang Hot Spring na malapit lamang. Kayat di na namin pinalagpas na subukang maligo sa napaka init na tubig, kelangan mo pang palamigin sa Timba bago ibuhos sa katawan.

Matapos noon ay bitin pa kayat napagkasunduan na dumiretso na ng Monasterio De Tarlac. Magtatanghali na kayat napakainit na sa daan dahil wala man lang punong kahoy na masisilungan. Hapon na ng marating namin ang pinakatuktok ng Monasterio at matapos magpahinga ay bumaba din agad upang maligo sa Ilog na nasa ibabang bahagi  ng bundok.
Don na kami nagpahinga ng husto at nagpalamig, pagkatapos ay umuwi na. Mga bandang Alas otso na ng gabi nakarating sa aming mga tahanan.

Maraming Salamat sa poong Mayakapal sa ligtas at masayang paglalakbay.
Maraming Salamat din sa aking malupet na kasamang Master Nelson 🙂

Pindutin para sa mga Larawan
Layo o distansya mahigit 140km hanggang pabalik, nahuli lang ang pagbukas ng GPS.
Pindutin para sa Mapa (GPS)

 

World Car Free Day

Taon taon nagkakaroon ng World Car Free Day Ride na pinamumunuan ng Fire Fly Brigade. Ginaganap ito tuwing September 20 🙂 Mapalad na nakasama ako sa pagkakataong ito kahit ilang araw pa lamang ako nagsimulang magbisekleta 😀

Nagsimula sa Greenhills, Intramuros hanggang sa Luneta 🙂 kung hindi ako nagkakamali?

http://www.fireflybrigade.org/

Pindutin para sa mga Larawan
Ang mga larawang kuha ay galing sa http://www.pinoymtbiker.org 🙂 Salamat po sa mga may ari 🙂

Petsa: 9/22/2008
Layo o Distansya: Siguro Mahigit kumulang nasa 20km

Mountain Biking Adventure :)